^

PSN Opinyon

Mr. Speaker, siyasatin ang Makabayan Bloc Al G Pederoche

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Maraming issue at hamon na dapat harapin bilang Speaker­ ng Kamara de Representante si Lord Allan Velasco.

Hinamon ni Jeffrey “Ka Eric” Celis dating kadre ng NPA na imbestigahan ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc upang ilantad ang tunay nilang motibo­. Ani Celis handa siya at ang kanyang mga kasamahang dating kadre ng CPP-NPA na ibunyag ang buong kato­tohan tungkol sa pagiging umano’y miyembro ng kilu­­sang komunista ng Makabayan Bloc members gaya nina Reps. Gaite, Cullamat, Zarate, Elago, Brosas at Castro.

“Speaker Lord Allan Velasco, we request, let’s suspend the rules in Congress and we will face them—face-to-face without parliamentary restrictions, and let us speak to the nation through your Congress, through our Congress,” ang matapang na hamon ni Celis.

Inupakan ng todo ng mga dating kadre ng CPP-NPA ang Makabayan Bloc sa isang press briefing. Inakusahan ni Celis ang naturang mga kongresista na ginagamit ang pera ng bayan para sa buktot nilang misyong guluhin ang bansa. Php 68 million ang inilalaang budget sa kanila taun-taon.

Di ba karumal-dumal ang ginagawang pananambang at sabotahe ng mga rebeldeng NPA na tila inaayudahan pa ng gobyerno sa pagpopondo sa mga kinatawan nila sa Kongreso?

Papaano kaya haharapin ni Velasco ang hamong ito? Papatulan ba niya ang panawagan o mananahimik na lamang siya? Kung magugunita, ipinakita agad ni Velasco ang pagkampi sa grupong makakaliwa sa Kamara sa pagdepensa sa mga ito.

Hindi lang iyan. Pinanigan pa ni Velasco ang Maka­ba­yan Bloc mula sa sinasabing “red-tagging” ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Nanindigan pa si Velasco na palso ang ginagawang mga pahayag ni Parlade laban sa Makabayan Bloc na akusasyon.

Tingnan natin ang baptism of fire ni Velasco.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with