^

PSN Opinyon

Sinisiraan si Sec. Briones

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

GUMAGAMIT na ng dirty tactics ang mga atat na atat sa puwesto ni Department of Education secretary Leonor Briones­. Kahit walang kinalaman sa mandatos ng DepEd aba’y ikinakawing para siraan lamang itong integridad ng kalihim. Nito kasing mga nakalipas na mga araw ay naglabasan na naman ang mga fake news kay Briones.

Katulad na lamang sa umano’y mga guro sa Region 1 na pinagreretiro na itong si Briones dahil wala na umanong kakayahan na pamunuan ang DepEd. Subalit mukhang nagkamali sila ng sapantaha dahil sa panahon ngayon ay lalong lumakas si Briones nang isulong ang distance learning at modules upang maturuaan ang mga kabataan at hindi maging mangmang.

Kaya ang mga patutsada nila kay Briones ay nalusaw at hindi nila nakumbinsi si Pres. Rodrigo Duterte na alisin ito sa puwesto. Sa panahon kasi ngayon mas mabisang prog­rama ang distance learning ng DepEd upang makaiwas sa paghahawahan ang ating mga anak. Bagama’t malaking sakripisyo ito sa mga teachers dahil hindi naman sila bihasa sa computers upang maipagpatuloy lamang ang pagtuturo sa mga kabataan.

Subalit sa panig ng mga inggiterong nagnanais na alisin si Briones sa puwesto, lumalabas na butata sila sa kanilang maitim na balak. Dahil ang tiwala ni Duterte ay nangingibabaw pa rin kay Briones at ang suporta ng mga magulang na nakikinabang sa programa ng DepEd. Kaya sa pagkadismaya nitong mga inggitero ay kaliwa’t kanan ang ginagawang paggiba rito kay Briones.

Hindi ko maintindihan kung may nag-aambisyon nga ba talaga sa puwesto ni Briones kung bakit siya pinupuntirya. Nariyan ang mga problema ng modules na ibinabato kay Briones na kinakaya naman nitong sagutin nang maayos at may basehan ang lahat ng kanyang mga paliwanag. Tapos nitong mga nakaraang araw binugbog din siya ng batikos dahil sa pagbili ng DepEd ng ilang units ng Mitsubishi Strada, na muli, nasasagot naman niya na pawang may mga basehan din.

Nakakapagtaka lang din sa gitna ng mga banat na ito kay Briones ay lumutang ang balita na maraming guro parti­kular na sa Region 1 ang nanawagan kay Digong na sibakin na si Briones dahil incompetent daw ito at matanda na para humawak pa ng mabigat na tungkulin sa pamahalaan. Subalit nang suriing mabuti ng departamento kung sinu-sino ang mga sinasabing gusto na siyang pagbitiwin sa puwesto, ni isa sa mga sinasabing libu-libo raw na mga guro na humihi­ling para sa kanyang ulo, ay hindi lumutang. 

Kung talaga lang na may mga basehan ang sinasabi ng mga guro na ito sa Region 1 na hindi karapat-dapat si Briones sa kanyang puwesto, sana may guro na maglalakas loob na tumayo at sabihin na hindi na dapat pang mamuno ang kalihim sa departamento. Pero Ang walang magsalita! Malinaw na gumagawa lamang ito ng maitim na hakbang upang sirain ang integridad ni Briones.

vuukle comment

LEONOR BRIONES­

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with