^

PSN Opinyon

Imbestigahan din ang mga ‘tongresista’ BAnta

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Mahahalukay na kaya at maipaparada ni President Rodrigo Duterte sa publiko ang mga taong kumurakot ng pera ng taumbayan? Ito ngayon ang inaabangan ng mamamayan, hehehe! Sa nalalabing dalawang taon ng panunungkulan ni Duterte, umasa ang sambayanan na mabibigyan ng tuldok ang korapsyon bilang tugon sa kanyang­ pangako noon nangampanya siya. Get n’yo mga suki?

Mukhang inilalabas lang ni Digong ang sama ng loob dahil maging siya ay nagsabing bigo siyang maputol ang korapsyon sa bansang ito. Kaya sa pagkadismaya ay ina­tasan niya si Department of Justice Sec. Menardo Guevarra na pangunahan ang mega task force vs coruption upang habulin ang mga “buwaya” na lumamon ng limpak-limpak na pera sa kaban ng bayan.

Tahasan nitong tinukoy ang moro-morong proyekto ng mga “tongresista” este kongresista. Mukhang may kulay pulitika ang pagtumbok ni Digong dahil ang tatamaan nang husto rito ay ang mga hindi niya kaalyado.

Sa panahon kasi ngayon kapag-dilawan ka, mahirap ka nang makakuha ng suporta oras na tiniris ka na parang­ kuto. Subalit ayon sa aking mga nakausap oras na malapit ka sa mga kaalyado ni Digong, may pag-asa ka pang makaahon dahil sa imbestigasyon lamang ito hahantong. Kaya ang pag-usad ng asunto sa Ombudsman at Sandigan bayan ay tila usad pagong.

May katwiran ang aking mga kausap subalit mukhang sa galit ni Digong ay hindi uubra ang sistemang ito dahil ang nais ni Digong ay maipamalas sa mga bomoto sa kanya na tinupad nga ang pangako. Kung sabagay hindi naman maitatago ito kung talagang maging mabusisi ang pag-imbestiga ni Guevarra di ba mga suki?

Kasi nga unahin muna niya ang mga proyekto ng “tongre­sista’’ sa mga lalawigan, halos karamihan sa mga pro­yekto ay mabibilang lang sa daliri ang tapos. Una na riyan ang mga kalsada at tulay na iniwang nakatiwangwang. Napagpistahan at napaghati-hatian na ang pondo kung kaya wala nang budget upang ipatapos pa ito. Wala ring ipinagkaiba sa mga proyekto ng Department of Works and Highways (DPWH). Masasabi ko na tuluyan nang tinalikuran ng mga contractor ang mga proyekto katulad na lamang ng mga highways at expansion ng mga tulay.

Sa Western Visayas, kitang-kita na ang pruweba ng korapsyon. Kasi nga ang mga highways at halos di pa rin natatapos at ang mga tulay ay makikitid pa rin kaya madalas ang mga aksidente at sakuna. Naibulsa na kasi ng mga contractors ang pera kung kaya iniwan ng nakatiwangwang ito at nag-aantay na naman sila ng pagkakaton na makabungkal ulit ng pera mula sa kaban ng bayan.

Kaya hindi dapat na iitsa puwera sa imbestigasyon si DPWH Secretary Mark Villar kahit na kabilang siya sa pinaka-mayaman sa bansa. Kasi nga siya ang nag-apruba ng mga proyektong build, build, build progran ni President Duterte. Di ba mga suki? Si dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay dapat ding isama sa imbestigasyon upang malaman  kung saan napunta ang mga inaprubahang proyekto ng mga “tongresista’’.

Isama na rito ang napakalaking budget na ginasta sa Clark Pampanga na pinagdausan ng SEA Games. Ang Bureau of Customs dapat ding imbestigahang mabuti ni Guevarra dahil hanggang sa ngayon tuloy pa rin ang tara-tara system sa brokers. Magpahanggang ngayon, tuloy pa rin ang pagpasok ng droga. Ganyan din ang kalakaran sa Bureau of Immigration na hanggang ngayon ay patuloy ang pagdagsa ng mga Chinese workers na umaagaw sa trabaho ng ating mga kababayan.

Abangan!

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with