^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Pabakunahan laban sa tigdas ang mga bata

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Pabakunahan laban sa tigdas ang mga bata

Nararapat mabakunahan laban sa tigdas ang mga bata ngayong 2020 upang hindi magkaroon ng outbreak sa susunod na taon, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi pa ng DOH na mahirap kung magkakaroon ng outbreak sa tigdas sapagkat kasalukuyan pang nakikibaka ang bansa sa COVID-19.

Ganunman, sinabi ng DOH na kahit may pan­demya, pipilitin nilang mabakunahan ngayong taon ang apat na milyong bata. Nagsimula noong Lunes (Oktubre 26) ang pagbabakuna at matatapos hanggang Nobyembre 25. Nananawagan ang DOH sa mga magulang na dalhin sa barangay health center ang kanilang mga anak na siyam na buwan ang gulang hanggang 59 na buwan (limang taong gulang) para mabakunahan laban sa tigdas. Bukas ang health centers mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Sinabi ni Dr. Wilda Silva, National Immunization Program Manager ng DOH na kasama sa aktibidad­ ang mga batang nabakunahan man o hindi pa. Hindi raw masama na maulit ang bakuna dahil ang karag­dagang doses ay karagdagang proteksiyon laban sa tigdas. Ang tigdas ay respiratory virus na nakukuha kapag nalanghap ang viral particles.

Sinabi pa ng DOH isasabay na rin ang pagbabakuna laban sa polio.

Mapanganib ang polio kaya nananawagan sila sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na wala pang limang taong gulang, nabakunahan man ito o hindi pa. Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Walang gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna. Ang poliovirus ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage.

Noong nakaraang taon nagkaroon ng polio out­break sa bansa. Nakapagtataka lang sapagkat idi­neklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumalik ang virus at isinisi ang pagbalik dahil sa maruming kapaligiran. Marami ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa ma­mamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang polio virus.

Pabakunahan laban sa tigdas at polio ang mga bata. Ito ang tanging paran para sila mailigtas sa pagkakasakit.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with