^

PSN Opinyon

May kaunting dumi

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay naiakyat na sa Senado ang aprubadong Budget ng Mababang Kapulungan para sa taong 2021. Halagang PhP4.505 trillion, pinakamataas sa kasaysayan, ang pinadalang panukala. Sadya ito upang palawigin pa ang responde ng pamahalaan sa pandemya at matulungan­ ang ekonomiyang makaahon sa lugmok.

Maaga ng isang araw sa takdang deadline ang isi­nu­­miteng budget ng House sa pamumuno ng bagong Speaker Lord Allan Velasco. Ito rin ang mismong budget na na-hostage nang pumutok ang away sa pagitan nina Speaker Velasco at dating Speaker Alan Peter Cayetano para sa pamunuan ng House.

Maaalalang pinuna ni Senador Panfilo Lacson ang ani­ya’y isinasagawang pagsisingit ng mga bagong pro­bisyon ng bagong pamunuan kahit ang budget ay napag­botohan na ng plenaryo sa 3rd reading. Alam ni Senador Lacson na labag sa Saligang Batas ang ganoong “tampe­ring” sa budget dahil sa wari niya’y hakbang ito ng maliit na bilang ng mga mambabatas at hindi pasya ng buong Kamara. Para sa batikang haligi ng Senado, kung nais itong maihabol sa huling bersiyon ng batas, dapat sana ay sa conference committee isalang ang mga pagbabago.

Wala na ring narinig na follow up mula kay Senador Lacson. Marahil ay kahit alam nitong may kakulangan at kamalian ang sinunod ng proseso ng House, mapapag-usapan naman ito pagdating sa conference committee. Sa huli ang mananaig ay ang napagkasunduan ng dalawang Kamara. Doon susukatin ang legalidad.

Maaring may magkuwestiyon sa nangyari. Karapatan din naman ng kung sinong may gusto na sumbatan ang ating mga representante at sukatin batay sa patakaran ng Saligang Batas. Subalit kahit pa isumbong ito sa Ma­taas na Hukuman, hindi gawain ng mga mahistrado ang makialam sa proseso ng Lehislatura. Maaring sablay ang pinagdaanan ng budget. Subalit sa huli, basta naman naipasa ito ng dalawang kapulungan, para na ring napatawad at naituwid ng boto ng mayorya ang ano mang depekto. Mas matimbang ang kagustuhan at pasya ng nakararami kaysa kung ano mang pagkukulang na masilip.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with