^

PSN Opinyon

PhilHealth ang sisihin huwag ang Red Cross

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang Philippine Red Cross ang nabubuntunan ng sisi sa mga nangyayaring aberya sa pagsasagawa ng COVID testing. Alam ng lahat na napakamahal ng mga test kits at namumuhunan ang PRC upang makatulong sa pagsasa­gawa ng testing sa mga taong posibleng dinapuan ng sakit.

Ang pamahalaan ang sumasagot sa gastusin sa pa­ma­magitan ng PhilHealth. Iyan ang kasunduan ng gob­yerno at PRC na isang non-profit international orga­ni­­zation na ang misyon ay mga gawaing panaklolo sa harap ng mga kalamidad tulad ng digmaan, natural cala­mities at pan­demya tulad ng dinaranas ngayon ng daigdig.

Inatasan na nga ng Pangulo ang PhilHealth na ba­yaran ang utang at nangako naman ang ahensya na ito’y magbabayad na. Pero hanggang ngayon, dismayado si Sen. Dick Gordon na siyang namumuno ng PRC dahil wala pang ibinabayad ang PhilHealth sa mahigit P1 bilyon pagkakautang nito.

Kahit pa isang institusyong pang-kawanggawa ang PRC, paano nito maitutuloy ang pagsasagawa ng mass testing kung walang pondo para bumili ng napakamahal na test kit? Sa ngayon, mangangailangan ng lima hanggang walong milyong dolyar para mapunan ang supply nila ng test kits.

Ano ba itong PhilHealth? Basta katiwalian, may nilulustay na pera pero pagdating sa mahigpit na panga­ngailangan ng mga mamamayan, hindi nakapagbabayad ng obligasyon.

Hoy, magbayad na kayo!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with