^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang nakasingitna ‘pork’ sa budget

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang nakasingitna �pork� sa budget

Malinis at walang naka-insert na pork barrel­ sa 2021 General Appropriations Bill na inapru­bahan ng House of Representatives noong Bi­yernes­. Ito ang tiniyak ng bagong House Speaker Lord Allan­ Velasco. Makaaasa raw ang lahat na walang naka­singit sa proposed P4.5 trilyong national budget. Sana nga ay totoo ito.

Matatandaan na muntik pang maatrasado ang deliberasyon ng national budget dahil sa mga nang­yaring “drama” sa Kamara. Nagkaroon ng problema sa term sharing sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Velasco. Nag­tagisan muna ang dalawa bago naayos ang gulo. Kailangan pang pumagitna ang Presidente bago kumalma ang “bagyo” sa Kamara. Mabuti at parehong tumalima ang dalawa at kinalimutan ang hidwaan.

Nagtrabaho agad si Velasco pagkaraang humupa ang unos. At natapos nga sa loob lang ng ilang araw ang deliberasyon ng budget. Sa isang linggo ay nakatakda na nila itong i-transmit sa Senado. Unang target ni Velasco ay sa Nobyembre 5 pa ito ipadadala sa Senado pero umalma na si Senate President Tito Sotto at sinabing mahihirapan na silang aprubahan ito.

Inaabangan ngayon kung wala nga bang isiningit­ ang mga mambabatas sa inaprubahang national budget. Totoo kaya ang sinabi ni Velasco? Kumalat kasi ang alegasyong tadtad ng pork insertions ang ipinasang budget. Nang tanungin si Velasco kung na-adjust ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taguig at Camarines Sur para sa pantay na distribusyon, sinabi ni Velasco na wala silang pinakialamang funding. Kinuwestyon kasi ng mga mambabatas sa House deliberations ang malaking alokasyon para sa infrastracture projects sa ilang legislative districts gaya sa Taguig City at Camarines Sur.

Sana nga ay walang nakasingit na pork sa 2021 budget. Ang mga ganitong isiningit na pork ang pinag­mumulan ng katiwalian. Kung walang pork, ma­kaaasang walang makukurakot. Sana nga ay malinis at walang pork insertions sa 2021 budget. Matibay na pinanghahawakan dito ang mga salita ni Velasco.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with