^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lubog sa utang ang PhilHealth

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lubog sa utang ang PhilHealth

Nadiskubre na malaki ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine National Red Cross (PNRC) – P930,993,000. Kalabisang sabihin na “lubog sa utang’’ ang PhilHealth. At maaaring hindi lamang sa Red Cross may atraso ang PhilHealth kundi sa iba pang ospital, klinika, laboratoryo at iba pa.

Noong Miyerkules, sinabi ng Red Cross na ititigil na nila ang COVID-19 testing na sinasagot ng PhilHealth dahil masyado nang malaki ang pagkakautang nito sa kanila. Ang problemang ito ang dahilan kaya hindi muna tatanggap ng specimen ang Red Cross mula sa overseas Filipino workers (OFWs) at mga indibiduwal na dumarating sa bansa.

Hangga’t hindi umano nagbabayad ang PhilHealth sa Red Cross, hindi sila magsasagawa ng testing para sa COVID. Ganunman, sinabi ng Red Cross na tuluy-tuloy pa rin ang pag-test nila sa mga indibiduwal na nagpa-book sa kanila, mga pribadong kumpanya, mga lokal na pamahalaan at ibang ahensya ng gobyerno na up-to-date kung magbayad.

Sa sumingaw na problemang ito, maaaring hindi lang sa Red Cross may pagkakautang ang PhilHealth kundi pati na rin sa mga ospital, clinic, laboratories at ibang healthcare facilities at institutions.

At paano kung ganito rin ang maging pasya ng mga pinagkakautangan ng PhilHealth? Paano ang mga maliliit na manggagawang miyembro ng PhilHealth kung hindi sila ma-admit sa ospital o ma-test sa laboratoryo dahil sa pagkakautang ng tanggapan. Kawawa naman sila na umasang mapapakinabangan ang PhilHealth sa oras ng biglaang pangangailangan.

Lalong lumutang ang katanungan na kaya hindi makapagbayad ang PhilHealth sa Red Cross at iba pang institusyon ay dahil kinurakot na ng mga opisyal nito ang pondo?

Marami nang kinasuhang opisyal kaugnay sa korapsiyon sa PhilHealth. Pati ang nagbitiw na si dating PhilHealth Chief and CEO Ricardo Morales ay kasama rin sa pinakakasuhan. Nabisto ang korapsiyon sa PhilHealth dahil sa pagbubulgar mismo ng mga tauhan doon. May mafia sa PhilHealth at nilimas ang P15 bilyong pondo sa pamamagitan ng internal reimbursement mechanism (IRM).

Ang grabeng korapsiyon ang dahilan kaya hindi makapagbayad ang PhilHealth sa Red Cross at maaaring sa iba pang institution. Ano pang ibabayad e nilimas na ng mga kurakot? Nararapat talagang ireporma ang PhilHealth. Dapat kumilos ang bagong PhilHealth chief.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with