^

PSN Opinyon

EDITORYAL - LGUs na ang bibili ng palay ng mga magsasaka

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - LGUs na ang bibili ng palay ng mga magsasaka

Magandang balita na ang local government units (LGUs) na ang bibili ng aning palay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng LandBank of the Philippines. Hindi na mahihirapan ang mga magsasaka sa paghahakot ng kanilang palay sapagkat ang LGUs na mismo ang pupunta sa mga magsasaka.

Inihayag ng LandBank kamakailan na inaprubahan na nila ang P4.3 bilyon na pautang sa LGUs para bilhin ang palay sa mga lokal na magsasaka. Nasa ilalim ito ng “PALAY ng Lalawigan” program.

Marami pa rin kasing magsasaka ang nagsisintemyento dahil sa mababang presyo ng palay na ka­­nilang ibinibenta. Pagkaraan daw na gastusan nila nang malaki ang kanilang pananim na palay, nang anihin ito at ibenta ay sobrang baba ng presyo. Na­ibebenta lang nila ng P12 hanggang P15 ang kilo ng palay. Sa ganito kamurang presyo, luging-lugi sila at hindi pa masambot ang ginastos sa fertilizer, insecticides, binhi, sa pag-thresher at patubig. Nagka­utang-utang na raw sila at nangangamba sila kung paano mababayaran ang mga ito.

Akala nila ngayong anihan ay makababawi na sila pero malaking kabiguan dahil bagsak presyo ang kilo ng palay. Ang inaasahan nila ay P17 hanggang P19 nila maibebenta ang kilo ng palay pero nagkamali sila. Sobrang mura naman ng presyo na hindi na makatwiran para sa kanilang mga lokal na magsa­saka. Kung kailan daw panahon ng anihan na uma­asa sila na malaki ang kikitain ay saka naman bagsak ang presyo ng palay.

Ayon sa report, ang pagbaba raw ng presyo ng palay ay may kaugnayan sa rice tarrification law kung saan malaya nang makapasok ang mga imported na bigas mula sa Thailand, Vietnam at China. Kung ganito ang problema, dapat suspendihin muna ang pagpasok ng imported na bigas sa panahon ng anihan para naman makinabang ang mga lokal na mag­sasaka. Sinabi kamakailan ni Agriculture Secretary William Dar na bibilhin daw ng National Food Autho­rity (NFA) ang aning palay ng mga magsasaka. Sasadyain na umano ng NFA sa kanayunan para bilhin ang mga aning palay sa halagang P19 bawat kilo. Sana totoo ang balak na ito ng NFA.

Maganda ang programa ng LandBank para sa mga magsasaka. Malaking tulong ito para makapag-produce pa ng palay ang mga magsasaka at hindi na aasa sa imported.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with