^

PSN Opinyon

Matutong rumespeto’t magbigay ng kurtesiya!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

May pakiusap ang Palasyo sa mga eksperto’t dalubhasa partikular sa isyu ng pandemya. Huwag pangunahan ang gob­yerno sa pamamagitan ng paglalathala sa media ng kanilang mga rekomendasyon.

Baka kasi sa sobrang galing, nakakalimutan na ang gob­yernong nakaupo ay inihalal ng mga tao.

At baka nakakalimutan din nila na hindi lang sila ang magaling. Na may mga dalubhasa’t eksperto rin sa hanay ng gobyerno.

Kaya itong mga adelantadong eksperto kuno, sana alam nila ang salitang kurtesiya at respeto.

Tayong mga nasa pribado, huwag naman sana tayong umasta na parang mga bastos at bida-bida.

Puwede naman kasing  pag-usapan sa media ang kanilang mga pananaw o “punto de vista’’ sa pamamagitan ng “casual healthy discussion” na maituturing na isang mala­yang pamamahayag.

Linawin natin, magkaiba ang ibig sabihin ng “paglalathala” o publication, sa salitang pamamahayag sa pamamagitan ng diskusyon.

Sa ganitong paraan, papasok ang mga dalubhasa ng pri­badong sektor para ipahayag ang kanilang mga kaalaman.

Idagdag ko na pati kanilang mga karunungan kahit pa sabihing posibleng nakahanay sa nakaraang administrasyon o oposisyon.

Ngayong panahon ng pandemya, understood naman na kapakanan ng mamamayan at publiko ang pinangangalagaan. Kaya nga nandiyan ang Inter-Agency Task Force (IATF)

Subalit may adelantadong eksperto kasi kuno sa pribadong sektor na gusto laging pangunahan ang ating gobyerno.

Samantalang puwede namang sila’y makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamahalaan kung talagang kapakanan ng taumbayan ang kanilang motibo.

May nakikita akong isang “pattern” o “tatak” sa sitwasyong ito. Estilong nakikita rin ng taumbayan sa mga adelantadong laging gustong umepal at laging nauuna sa media.

Pamilyar ang mga “the moves” na ito kaya naman nag­lalaro sa aking isipan, hindi kaya may nagagamit dito o nagpapagamit? Dahil malapit na ang eleksyon?

What do you think Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque?

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with