^

PSN Opinyon

Krisis sa House nagwakas din

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nagpakita ng statesmanship ang dating Speaker ng Kamara de Representante na si Alan Peter Cayetano nang kusang maghain ng irrevocable resignation upang makaupo bilang Speaker si Lord Allan Velasco alinsunod sa kanilang term sharing agreement. Anang iba, “bakit nga­yon lang?” Well, wika nga, better late than never.

Pinasalamatan ni Cayetano si Pangulong Duterte sa pagkakataon na makapagsilbi bilang Speaker of the House sa kanyang facebook live noong Martes. Nagpasalamat­ din siya sa kanyang mga supporters lalo na sa mga Kon­gre­sistang kasapi ng National Unity Party, Nacionalista Party at mga natirang supporters sa Lakas NUCD, party­list groups at iba pang partido.

Ano man ang rason niya nung una sa kanyang pagmamatigas, naisip niya sa dakong huli na kapag nagtagal ang hidwaan niya kay Velasco, mababalam ang pagpapasa kinakailangang 2021 national budget. Ayaw na ni Cayetano na magkagulo at may masaktan pang kongre­sista. Hinayaan na ni Cayetano na makapasok sa plenaryo ng kamara ang mga tropa ni Velasco.

Pero ang tanong, bakit sila gumamit ng dahas? Giniba nila ang pintuan ng plenaryo sa ikalawang palapag ng session hall gallery. Anyway, nangyari na ang ‘di dapat mangyari kaya, palampasin na lang.

Nag-sorry si Cayetano kay Digong kung nagkamali siya ng pag-intindi na siya ang dapat humawak sa 2021 budget hanggang ito ay maipasa. Sabi pa nga ni Caye­tano, ang kamara ay isang institusyon na hindi dapat bina­bastos.

Aniya, puwedeng mapalitan ang mga lider ng kamara ngunit hindi dapat hayaang masira ang kredibilidad  nito. Hindi mababalewala ng taong bayan ang 15 buwan na speakership ni Cayetano.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naitala ng kamara at ng isang Speaker of the House ang pinakamataas na trust at approval rating dahil sa magandang performance nito. Sabi nga ni Senador Ralph Recto, maiksi lang pagiging speaker ni Cayetano pero “spectacular” ang naging performance nito. Welcome na welcome din aniya ang dating speaker na bumalik sa “smaller but smarter house” .

Sabi nga “all’s well that ends well.”

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with