^

PSN Opinyon

Sumira ng bahura natin kontratista sa Sangley

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DAMBUHALANG state firm ang China Communications Construction Company. Ito ang nangunguna sa China Belt and Road Initiative, mga korap na proyekto sa mga maliliit na bansa. Kontrobersiyal ang CCCC.

CCCC ang kinontrata ng Cavite provincial government na gawin ang Sangley Point International Airport. Palala­yasin ng konstruksiyong SPIA ang Philippine Navy mula sa pinaka-malaking base niya sampung kilometrong tawid sa Manila Bay patungo sa pambansang capital. Kapag linan­sag ang Navy repair-maintenance shipyard, air squa­dron hangars, imbakan ng armas, engineering, komu­nikasyon, at tropa at kagamitang pang-special warfare, mawawalan ng depensa ang sentro ng gobyerno.

Peb. 14, 2020 nang in-award ng opisyales ng Cavite ang Phase-1 ng SPIA Project sa CCCC. Halagang P208.5 bilyon ang Phase-1 ng kabuoang P550 bilyong budget ng SPIA construction. Kasama roon ang isa sa apat na planong runways, pag-ayos sa lumang terminal, at 4.5 kilometrong connector mula Manila-Cavite Expressway. Malakihang reklamasyon -- at pagwasak ng kalikasan -- ang magaganap, anang Navy sa pag-aaral. Target matapos ang Phase-1 sa dalawang taon: 2022.

Sinumite ang pag-aaral ng Navy nang maging chief si Vice Adm. Giovanni Bacordo, 11 araw bago makontrata ang CCCC. Nakini-kinita ng Navy ang kontrobersiya. CCCC kasi ang namuno sa dredging simula 2013 ng pitong bahura na inagaw ng China sa West Philippine Sea. Dahil sa pagkongkreto ng mga bahura, may mga missiles, warships, fighters, at bombers na ang China sa mga artipisyal na isla. Mula sa mga base, pinapasok ng China ang WPS, at inaagaw ang pangisdaan ng Pilipinas.

Nagkatotoo ang sinabi ng Navy. Nu’ng Agosto binawalan ng US na makinegosyo sa kanila ang CCCC at 24 na subsidiaries. Winasak kasi ng China state firm ang 20 pang bahura ng Brunei, Malaysia, at Vietnam. Ani Foreign Sec. Teddy Locsin ipapakansela niya ang mga kontrata ng CCCC sa Pilipinas. Pero gusto ni President Duterte manatili ang CCCC.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with