^

PSN Opinyon

Hiling ng gamefowl breeders, derby payagan na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KAHIT bawal dahil sa panahon ng COVID-19, patuloy ang operation ng online sabong kaya hiniling ng mga game­fowl breeders na payagan din silang magbukas ng derby sa bansa kahit sa limitadong kapasidad lang. Wala na­mang away ang mga gamefowl breeders sa mga ope­­rators ng online sabong subalit iginiit nila na kapag pinag­bukas sila mababawasan ang bilang ng pamilyang nagu­gutom sa panahon ng pandemya.

Kaya sumulat si Ricardo Palmares Jr., presidente ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA) Inc., kay GAB chairman Abraham Mitra para tulungan silang kumbinsihin ang IATF na payagang magbukas ang derby para kumita ang gobyerno ni Presi­dent Digong at magkaroon ng trabaho ang mga Pinoy na sa kanila lang umaasa. Puwede na sana sila sa mga lugar na mababa ang COVID.

Itong FIGBA mga kosa ay isang 38-strong na grupo na may 6,282 miyembro at mantakin n’yo kung gaano karaming Pinoy ang mabibigyan nila ng trabaho. Dipugaaaa!

Sa kanilang sulat kay Mitra, nagbigay si Palmares ng mga alituntunin at suhestyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID sa mga sabungan kung saan gaganapin ang derby. Siyempre, para may pakinabang din ang mga LGUs, kailangang mag-comply sa mga permit ang magpa-derby­ at may sapat na espasyo at pasilidad ang sabungan para mahigpit na maipatupad ang social distancing.

Kailangang malinis, well-sanitized and disinfected ang sabungan bago at pagkatapos ng sultada at may hand-washing stations, sanitizers, alcohol at lahat nakasuot ng facemask ang mga participants, pati mga empleyado nila. Subalit sorry na lang sa mga mananaya, at cockfight affi­cionados dahil bawal sila sa loob ng sabungan, ani Palmares.

Ang maganda pa nito, iginiit ni Palmares na ang mga personnel ay dapat magpa-swab test kada two weeks para siguradong hindi sila positibo sa COVID. Dipugaaaa!

Kaya lang, noong Hulyo 13 pa ang sulat ni Palmares kay Mitra at hanggang sa ngayon wala pang balita kung nakarating itong apela ng FIGBA kina IATF implementer Carlito Galvez at Interior Sec. Eduardo Año.

Teka nga pala! Kapag binanggit mo naman ang online sabong, palaging nakakabit ang pangalan ng negosyanteng si Atong Ang at alyas Tata Shala. Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with