^

PSN Opinyon

Mga kritiko, dapat magbago na ng estratehiya’t taktika!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Parang sinampal ang mga kritiko ng administrasyon sa kasalukuyan.

Hindi sila makapaniwala sa lumabas na ratings ni Pres. Rodrigo Duterte sa ginawang survey ng Pulse Asia.

Sa gitna ba naman kasi ng pandemya, pumalo sa 91% ang approval at trust rating ng Presidente. Mas mataas kaysa noong Disyembre 2019.

Sabi ng mga kritiko ng gobyerno, wala ‘yan! Kaya lang tumaas ang ratings dahil sinuhulan ang taumbayan sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP).

Subalit, sa totoong buhay, kung pangangasiwa umano sa krisis ng COVID-19 ang pag-uusapan ay bagsak naman talaga.

C’mon, give me a break! Ayaw lang talagang maniwala at tanggapin ng mga kritikong ito.

Ang lagay eh, parang iniinsulto ang pag-iisip ng mga nasa ibaba na naging sakop ng survey na ito.

Nilalait ang estado ng kaisipan ng mga Pilipinong nasa Class D at Class E.  Eto raw kasi ‘yung madaling suhulan.

Eto raw ‘yung lebel ng mga Pinoy na hindi na iniisip ang klase ng pangangasiwa ng pamahalaan basta ang impor­tante ay may panuhol.

Bakit ba raw kasi sa Class D at E ginawa ang survey?

Kung gagawin daw ang survey na ito sa mayayamang nasa Class A, B ay siguradong babagsak daw ang resulta ng Presidente.

Kita mo nga naman ang estado ng kaisipan ng mga kri­tikong ito, hala bira! Eh kaso, ang pikon ay talo!

Kasi naman, dapat magbago na sila ng estratehiya’t taktika! Aba’y right in their face, ipinakitang sila ang bagsak. Lalo tuloy napapahiya.

Kung wala na kasing maipapakitang ibang alternatibo, magtrabaho na lang. Bawasan ang ngawa at pagpapapansin.

Habang nagpapapansin kasi, lalo naman kayong binabasura.  End of story!

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with