^

PSN Opinyon

Velasco, bakit sa Facebook nagsalita?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ang tanong ni House Deputy Speaker Neptali Gonzales at iba pang Mambabatas: “bakit sa Facebook nagsalita si Rep. Lord Allan Velasco sa usapin ng term sharing kay Speaker Alan Peter Cayetano at hindi sa session ng Kamara?

Ani Gonzales, wala silang pakialam sa Facebook state­ment ni Velasco at hindi nila ito kikilalanin bilang opisyal na pahayag dahil hindi naman niya sa sesyon sinabi. Si Speaker Alan Peter Cayetano pa rin ang gusto ng naka­raraming mambabatas sa Kamara de Representante­ at ‘yan ay malinaw sa fresh mandate na nakuha niya nang iba­sura ng 184 kongresista ang kanyang inalok na resig­nation.

May katuwiran si Gonzales. Sa ginawa ni Velasco, hindi malaman ng mga tao kung gusto niya na maging speaker ng kamara o speaker ng mga blogger. Natatakot ba siya na tanungin ng mga kapwa solon kaya hindi siya sa sesyon nagsalita gaya ng ginawa ni Cayetano noong nakaraang linggo?

Halatang nag-aapura na maging speaker si Velasco gayung kung tutuusin mahirap mangyari ito. Ang super majority na mismo sa kamara ang nagdesisyon na ibasura ang pagbibitiw ni Cayetano. Isa pa, sinabi na ni Presidente na labas na siya sa speakership issue dahil ito ay purely ‘internal matter’ sa pagitan ng mga kongresista at ginagalang niya ang nangyaring botohan noong Miyerkules.

Kung tutuusin, kahit magbitiw sa posisyon si Cayetano, mas maraming higit na magagaling at may kakayahang ma­muno sa Kamara kung ikukumpara sa mababaw pang karanasan ni Velasco. Binabatikos ng kapwa niya mambabatas Velasco sa madalas magiging absent sa mga importanteng pagpupulong.

Tanong nga ng mayoryang Mambabatas: Ano ba ang nagawa niya para maghanada bilang lider ng kamara? Eh yung mga kapwa solon niya na mismo ang nag aakusa na siya ay absentee kongressman at ni hindi dumadalo sa pagdinig ng sarili niyang Committeeon Energy.

vuukle comment

FACEBOOK

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with