^

PSN Opinyon

Mga Pinoy, pinag-iingat ng BI sa ‘love scam’!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Babala sa mga Pinoy na nais makapag-asawa ng foreigner.

Isang raket na tinatawag ng Bureau of Immigration na “love scam” ang maaring kabagsakan ninyo kung hindi magiging maingat sa pagpili ng nais makaisang dibdib. Karamihan sa mga naging biktma ng love scam ay kinakaibigan muna ng suspect na nagpapakilalang foreigner sa social media. At kapag nakuha na ang loob ay liligawan at saka gagatasan ang una.

Sa panahon ngayon ng pandemya, kung anu-anong raket ang nagsulputan kaya sa mga kosa ko diyan mag-ingat palagi ha! Kung nag-iingat kayo sa COVID, aba maging alerto rin sa mga scam dahil kayo ang magiging kawawa. Dipugaaaa!

Nitong Biyernes, humahangos na humingi ng tulong sa Dipuga si alyas Rose dahil ang kaibigan niyang Malaysian national na si Sultan V. Muhammad, ay hinuli ng BI agents sa airport at kinumpiska ang kanyang dalang sandamukal na pera. Ayon kay Muhammad, maraming immigration violations ang ipinatong sa kanya at kailangan niyang maghulog sa banko ng P51,000 para makalaya siya.

Nakipag-coordinate ang Dipuga kay Robertzon Ramirez, ang reporter ng Philippine Star sa BI. Hiningi ng BI ang flight details ni Muhammad at kung saan na siya naroroon ngunit hindi ito sumagot. Matapos mag-verify ay natuklasan ng BI na walang foreigner na may ganung pangalan na pumasok sa airport nitong nagdaang mga araw. Dipugaaaa! Tsk tsk tsk! Buking!

Bagama’t hindi inamin ni Rose kung nililigawan siya ni Muhammad, pero sinabi nyang halos isang buwan na silang magka-chat at para bigyan diin ang pagka-foreigner niya, English ang usapan ng dalawa. Ipinangako ni Muhammad na dadalawin niya si Rose sa Pinas at sa kasamaang palad ay na-”detain” ng BI agents sa airport.

Mabuti na lang at nakapagtawag si Rose para matulungan si Muhammad, ngunit natuklasan niyang kamuntik na siyang mabiktima ng “love scam.” Gayun pa man may babae pang panay tawag sa celfone niya para madugas ang pitsa niya. Siyempre, iwas-pusoy na si Rose. Kaya kayo mga kosa, huwag basta-basta magtiwala sa mga kaibigang foreigner at baka mabiktima kayo ng “love scam.” Dipugaaaa! Abangan!

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with