^

PSN Opinyon

Velasco nag-apura masyado

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALANG pinanigan si Presidente Duterte kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Alan Velasco sa issue ng hatian sa speakership sa Kamara de Represenate. Payo nga ng Pangulo nang kausapin niya ang dala­wang mambabatas ay sumunod sila sa napagkasunduang “term sharing.”

Pero may isa lang pakiusap ang Pangulo kay Velasco: Ipagpaliban muna ang pag-upo sa liderato ng Mababang Kapulungan hanggang Disyembre, bagay na tinanggihan niya. Gusto na niyang maupo agad nitong Oktubre 14. Bakit ibig ng Pangulo na ipostpone ni Velasco ang pag-upo?

Kasi, ayaw umano ng Pangulo na mabalam ang pagsa­sabatas ng pambansang budget para sa susunod na taon. Pero, “no extension” ang tugon ni Cong. Velasco sa paulit-ulit na pakiusap ng Presidente. Nagbigay si Velasco ng alter­­natibo para mabilis matapos ang pambansang budget: Ito ay aprobahan  na lang “as is” ang panukalang budget mula sa Ehekutibo nang walang pagbabago. 

Teka, para namang trabahong tamad riyan. Ano iyan, gagawing rubber stamp ang ehekutibo at hindi na bubusisiin ng mga mambabatas ang panukala ng Pangulo? Sa panahon ng krisis, hindi maaring indecisive ang Speaker ng Kamara kundi kailangan ding pinagkakatiwalaan siya ng bawat miyembro ng Kamara de Representante. 

Bakit hindi makapaghintay si Cong. Velasco ng dalawang­ buwan? Ano ang mas mahalaga, ang interes ng bayan o ang ambisyon? Sabi nga ng Pangulo, ang kanyang pakiusap kay Velasco ay hindi dahil kampi siya kay Cayetano, kundi para sa bayan. Ibig lang ng Pangulo na isa-isantabi­ muna ang pulitika at bigyan ng prayoridad ang pagpapasa ng budget na mahigpit na kailangan upang makabangon ang mga sektor na lubos na naapektuhan ng mga coronavirus. 

Maraming nagugutom at nawalang ng trabaho dulot ng krisis sa COVID 19. Ngayon mas kailangang magkaisa ang buong Kongreso kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno para mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo. Nakasalalay dito ang mabilis na pagpasa ng isang budget na tutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino at magpapasiglang muli sa ekonomiya.     

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with