^

PSN Opinyon

Atong Ang, ‘all weather’ ang ilegal na negosyo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MATATAWAG kong “all weather” itong negosyanteng si Atong Ang dahil kahit sino ang Presidente ng bansa ay napapatakbo niya ang kanyang ilegal na negosyo. Bakit iniiwasan ng mga awtoridad si Atong? ‘Yan ang tanong ng mga kosa ko.

Baka magaling lang makisama si Atong o super galing makahanap ng padrino, di ba mga kosa? Wala naman kasi sa batas na bawal makisama kaya lang habang patuloy na nag-o-operate itong online sabong ni Atong, ang dina­daya niya ay ang gobyerno ni President Digong dahil wala siyang­ binabayarang tax.

At ang masama pa, sa panahon ng COVID 19, dapat bawal pa ang sabong subalit hindi naman kumikilos ang PNP, NBI at Games and Amusement Board ni chairman Baham Mitra para tuldukan ito.

Sinabi rin ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration (DCA) ng PNP at hepe ng Joint Task Force Covid Shield na bawal pa ang online sabong at ibinilin na niya ang problemang ito sa Anti-Cyber Crime Group subalit patuloy pa ring nilalabag ni Atong ang health protocols ng gobyerno. Dipugaaaa!

Unang naging kontrobersiyal si Atong noong panahon ni ex-Pres. Erap Estrada kung saan naging witness siya sa plunder case. Siyempre, noong panahon nina GMA at Noynoy Aquino, hindi naman nawala sa sirkulasyon si Atong at palagi nga itong pinatatawag sa Senate hearing pa­tungkol sa illegal gambling.

At lalong tumingkad si Atong sa panahon ni President Digong kung saan ang online sabong ay kinainggitan ng mga gamefowl breeders. Dahil bawal ang mass gathering, pinahinto ang lahat ng klaseng sabong, subalit namama­yagpag pa ang online sabong ni Atong na mapapanood sa live streaming. Sinabi ng mga kosa ko na bilyones ang ina­akyat ng online sabong sa mga operators nito at ang naiwang tulala ay ang gobyerno. Dipugaaaaa!

Kahit may permit pa sa PAGCOR itong online sabong ni Atong, ang iginigiit ng mga gamefowl breeders ay wala pa itong go signal sa Inter- Agency Task Force vs COVID ni retired Gen. Carlito Galvez.

Dahil miyembro rin ng IATF si Interior Sec. Eduardo Año, dapat kumilos din siya laban sa online sabong para naman magkapangil ang gobyerno ni President Digong laban dito. Bakit tahimik ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na may sakop sa ilegal na online sabong? 

Maraming tanong na si President Digong lang ang may kasagutan. Abangan!

vuukle comment

WILL ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with