^

PSN Opinyon

Mga pulitikong puro ngakngak ang alam

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang susunod na eleksiyon. Kaliwa’t kanan na kasi ang mga pulitikong kahit ano ay pinapatulan para maging isyu.

Sila ‘yung ang tirada ay champion of the poor. Sila raw ‘yung nagsusulong para sa karapatan at kapakanan ng mahi­hirap na Pilipino.

Pero ang nakakatawa, kung pakikinggan ang kanilang mga ngakngak – cotton candy, walang laman o saysay.

Walang kasusta-sustansiya dahil wala talagang solusyon at plano para sa isyu.

Ang sentro, epekto lang ng problema at ang bagsak ng sisi, laging sa gobyernong hindi kaalyado. Ayaw tingnan ang dahilan dahil masyado nang matrabaho.

Paano ba naman, ang totoong agenda kasi ay gamitin ang isang problema sa larangan ng pulitika. Bakit?

E di para maipakita na sila sila ang may concern o pakialam at sila lang  ang may solusyon.

Halimbawa, isa sa mga isyu na inaangkasan at sinasaw­sawan ay ang mababang presyo ng palay na sumadsad sa P12.

Sabi ng mga pulitikong nag-iingay tungkol dito, kawawa naman daw ang mga magsasaka natin sa kalagayang ito.

Dapat ganito, dapat ganyan ang gawin ng pamahalaan para hind maging kawawa ang ating mga magsasaka.

Oo marami na ang naaawa at matagal nang kaawa-awa ang sitwasyon ng magsasaka. Pero may problema, hindi­ naman focused o priority ng mga pulitiko ang usaping agri­kultura.

Maging ang barbero kong si Mang Igme, nagbigay na rin ng kanyang suhestiyon. Importante raw na mamuhunan ang ating bansa sa mga teknolohiyang makakatulong sa industriya ng agrikultura.

Subalit kumambiyo, baka iniiwasan daw ng mga pulitiko’t mambabatas ang ideyang ito dahil wala silang kikitain.

Sinu-sino ba ang tinutukoy ko?

Pinangalanan ko sila sa aking programang BITAG Live. Uploaded sa YouTube Official.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with