^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lambatin, ‘malalaking isda’ sa Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lambatin, �malalaking isda� sa Immigration

‘‘Maliliit na isda’’ mula sa Bureau of Im­migration­ (BI) na sangkot sa “pastillas” modus ang kinasuhan samantalang ang mga “malalaki’’ ay hinayaang makaalpas. Ganito ang sinabi ng whistleblower sa pagdinig sa Senado kamakalawa.

Sabi ng whistleblower na si Allison Chiong ang mga kinasuhan ay hindi ang mga tunay na “arkitekto” ng “pastillas” operation. Wala umano sa 19 na kinasuhan ng NBI ang mga tunay na salarin. Dahil dito, nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa NBI na pangalanan ang mga sangkot na opisyal ng BI. Sa pagdinig din noong Lunes nabulgar na isang hepe ng NBI Legal Assistance Bureau ang na-entrap ng mga kapwa NBI makaraang hingian ng pera ang mga opisyal ng BI kapalit na hindi na isasama ang mga pangalan ng mga ito sa kakasuhan. Nakilala ang NBI agent na si Atty. Joshua Paul Capiral. Kasa­mang inaresto ang kanyang kapatid na umano’y nanghihingi ng P200,000.

Lumalalim ang isyu sa pastillas operation sa NAIA at habang hinuhukay ay nadaragdagan pa ang mga sangkot. At lumalabas pa nga na ang mga ‘‘malalaking isda’’ ay hindi kasama sa mga kinasuhan. Dapat maging agresibo ang Senado para makalkal ang nasa likod ng “pastillas’’ modus.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ni Chiong na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Bawat Chinese umano ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kahirap-hirap. Nangyayari umano ang “pastillas” modus sa NAIA Terminal 1 at 3 noon pang 2016.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pampasalubong na “pastillas”. Ilan sa mga kinasuhan ng NBI sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina Grifton Medina, senior Immigration officer at Deon Carlo Albao, deputy terminal head sa NAIA Terminal 1. Kabilang din sa mga kinasuhan ang security guard na si Fidel Mendoza na may net worth na P7.8 million at isang Liya Wu na may-ari ng isang travel agency na nakipagsabwatan umano sa Immigration officials at nagpo-provide ng pa­ngalan ng mga Chinese POGO workers.

Lambatin ang “malalaking isda” sa Immigration para mawakasan na ang korapsiyon. Kapag hindi na­ipakulong ang mga “malalaking isda” bigo ang kasa­lukuyang administrasyon sa kampanya laban sa katiwalian.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with