^

PSN Opinyon

Pagbabagong ugali ang susi — Cimatu

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tama ang tinuran ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na “pagbabagong ugali” ang susi upang mapanatili ang mabuting resulta ng paglilinis sa ating kapaligiran tulad ng ginagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ipinahayag ito ng Environment Chief nang kanyang pangunahan ang paggunita sa International Coastal Cleanup (ICC) Day na dito’y binuksan sa publiko upang makita ang progreso ng ginagawang paglilinis sa Manila Bay na pinarumi ng tone-toneladang basura ng itinapon ng mga industriya at residente sa kapaligiran ng Bay.

Kahit pa magtuluy-tuloy ang pagbabantay at paglilinis sa mga daluyan ng tubig na umaagos patungong Manila Bay, kung hindi magbabago ang “garbage mentality” ng mga tao, patuloy na tatambakan ng basura ang mga estero at ilog patungong karagatan.

Kaya binigyan-diin ni Cimatu na kaalinsabay ng aktuwal na paglilinis at rehabilitasyon, pagsisikapan din ang DENR na mabago ang masamang kulturang nakamulatan nating mga Pilipino. Ani Cimatu “we would have to address behavioral and cultural realties that have made garbage throwing in the country, especially in Metro Manila, so prevalent”. Hindi lang mga pribadong indibiduwal ang masisisi sa problema kundi ang mga commercial establishment na walang habas sa pag­tatapon ng kanilang mga basura tulad ng mga restaurant malapit sa dalampasigan.

Sayang nga naman ang malaking halagang gina­gastos ng gobyerno sa rehabilitasyon at paglilinis kung hindi matitigil ang masamang gawi. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, karamihan sa mga kumakain sa mga fast food restaurant ay gumagamit ng mga dispo­sable utensils na basta na lang naitatapon kung saan-saan at napapadpad sa karagatan.

Kung tutuusin, hindi natin dapat ipamahala lang sa gobyerno ang gawaing ito at gampanan nating mamamayan ang ating mahalagang maiaambag, at iyan ay ang maayos na pagtatapon ng ating mga basura.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with