^

PSN Opinyon

Takbo ng Kamara aprubado kay Duterte

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nagpahayag ng kasiyahan si Presidente Duterte sa mga nagawa ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Noong Miyerkules, pinulong ng Pangulo sina Senate­ President Sotto, Speaker Cayetano, Senator Bong Go at Majority Leader Martin Romualdez. Pinag-usapan ang tungkol sa issue ng korapsyon sa PhilHealth at pag-amyenda sa Red-Tape Law. Sa naturang meeting, inilatag ni Romualdez ang mga nagawa ng 18th Congress. Aniya, inaksyunan ng Kamara ang mga priority measures ng Pangulo.

Mula July 16, 2020, labingwalong panukala na ang naging batas. Labing-dalawa rito ang national bills at anim naman ang local bills. Kabilang dito ang postponement ng barangay eleksyon; GMRC law; Salary Standardization law na nagtaas ng suweldo ng mga guro at nurse; pagtatag ng malasakit centers sa hospital para matulungan ang mga mahihirap na pasyente; ang pagtatayo ng National Aca­demy of Sports; ang Bayanihan 1 at 2 para sa mga biktima ng COVID-19 at pagbangon ng bansa mula sa epidemyang ito at marami pang iba.

Nasa 3rd reading na rin ang panukala na medical scho­larship sa mga deserving students at aprubado na sa 3rd reading ang mga economic na nag-aantay na lang ng approval ng senado. Kabilang na rito ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA); Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA); at ang Real Property Valuation and Assessment Act.

Ikinuwento rin ni Romualdez na tumatangu-tango pa si Digong habang ipriniprisenta nito ang mga nagawa ng kamara. Nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap si Digong at Cayetano noong matapos na ang miting kahit sa maikling panahon lang.

Dahil sa pandemya, pinauso ng kamara ang mga virtual meeting para lang matalakay ang mga importanteng panukala at masiyasat ang mga dapat imbestigahan na mga usapin. Ngayon lang nangyari na may mga academe at ibang sektor ng lipunan na pwedeng magtanong sa umpisa ng budget hearing at makapagbigay ng opinyon ang mga netizen sa pagkomento sa social media platforms para makibahagi sa pagdinig ng budget.

Kung ganito ka-positibo ang nagaganap ngayon sa kamara, bakit pa magkakaroon ng pagbabago sa liderato kahit pa may kasunduan sina Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco na hatian sa posisyon ?  Ituloy na lang ang magandang sistema upang makabangon tayo nang tuluyan sa pagkakalugmok sa COVID-19. Sabi nga ng kasabihan, huwag magpalit  ng kabayo sa gitna ng digmaan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with