^

PSN Opinyon

Zoom kaduda-duda rin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“OBLIGADO siyang sumunod sa mga naghaharing Komunista sa Beijing.” ‘Yan ang hinala nang marami kay “Eric” Yuan, may-ari ng Zoom. Kaya binabawal ang paggamit ng video-conferencing app sa mga ahensiya ng gobyerno sa America, Germany, India, Taiwan, Australia, at iba pa.

Pinaka-simple matutunan at gamitin ang Zoom, kumpara sa isang dosenang karibal. Kaya biglang sikat ito nitong krisis sa COVID-19, para sa work-from-home at “pagtitipon” ng magkakalayong kapamilya’t kaibigan. Mula 10 milyong users nu’ng Disyembre, nag-zoom ang Zoom sa 300 milyon sa buong mundo nu’ng Abril. At dumoble ang kita nu’ng Pebrero-Abril 2020 kumpara sa parehong panahon nu’ng 2019.

Pero unang nagka-problema ang kumpanya sa California kung saan ito nakabase. Pinaratangan siya ng mga NGO at opisyales dahil sa: (1) pagbubulaan na kesyo end-to-end encryption daw ang seguridad ng mga usapan; (2) ‘di-otorisadong pagkuha ng impormasyon mula sa Facebook accounts ng users; at (3) pagbigay ng impormasyon sa Beijing.

Mabilis nilutas ni Yuan ang unang dalawang isyu. Inayos ang algorithm at nagkabit ng security software na gawang America. Itinigil din ang pagkuha ng personal data at retrato ng users ng walang permiso.

Sira sa pangatlo si Yuan, Tsino na nag-US citizen kamakailan lang. Aniya ang servers ng Zoom sa China ay hiwalay sa servers sa America. Pero nadiskubre ng mga eksperto na pumapasok sa China ang mga data sa America. Palusot niya, programming error lang ‘yon na itinuwid na.

Ani Yuan din may 700 engineers siya sa China para mas mura ang suweldo kaysa Amerikano, at dahil palalakihin niya ang negosyo du’n. Pero dahil Chinese company rin ang Zoom, napapailalim siya sa batas ng mga Komunista. Kaya pala, nu’ng binawal ng Beijing pag-usapan ang ika-31 anibersaryo ng Tiananmen Massacre nu’ng Hunyo 4, sinuspindi ang Zoom meetings sa China. At sinuspindi ang Zoom accounts ng mga aktibista sa Hong Kong. Sa batas ng China, obligado tumulong ang bawat mamamayan at kompanya sa pag-eespiya ng gobyerno’t militar.

vuukle comment

ZOOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with