^

PSN Opinyon

MASB 100k: Ayuda sa negosyong Makatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Batay sa isang survey na isinagawa ng Asian Development Bank sa mga SME, ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga negosyo sa Pilipinas ngayon ay ang kakulangan ng pondo. Marami na ang nagsara dahil sa pagkalugi, at maaari rin itong sapitin ng iba pang mga negosyo kapag nagpatuloy pa ang krisis sa mga susunod na buwan.

Upang maiwasan ang ganitong pangyayari sa Makati at tiyaking hindi mawawalan ng trabaho ang daang libong residente, isinulong ko ang agarang pagpapatupad ng programang Makati Assistance and Support for Businesses (MASB) na may pondong P2.5 bilyon. Inaprubahan ito ng Sangguniang Panlungsod noong Miyerkules at inihahanda na namin ang madali, mabilis at ligtas na proseso para sa applications.

Sa ilalim ng MASB, magbibigay ang lungsod ng grants mula P10,000 hanggang P100,000 sa mga rehistradong negosyo sa lungsod, depende sa uri ng negosyo at bilang ng Makatizens na empleyado nito. Ilalaan ang pondo para bayaran ang sahod ng mga empleyado, residente man o hindi, at pambayad sa supplies. Ang pera ay direktang ire-release sa mga empleyado at Makati-based suppliers lamang.

Hindi ito pautang. Ito ay tulong namin sa mga negos­yante sa lungsod. Sa loob ng dalawang taon pagka­tanggap ng grant, kailangan lamang na manatili silang bukas, walang tatanggaling empleyadong taga-Makati, at su­munod sa mga patakaran ng lungsod.

Ang kuwalipikadong SMEs ay makakakuha ng mula P10,000 hanggang P20,000 na grant, depende sa bilang ng mga kawaning Makatizen, o kung residente o hindi ang may-ari ng negosyo. Ang mga ibang uri ng negosyo ay makakakuha naman ng mula P15,000 hanggang P100,000, base rin sa kung ilan ang empleyado nilang taga-Makati at kung residente o hindi ang may-ari ng negosyo. Makakatanggap ng P100,000 ang mga negosyong may mahigit 12 Makatizen na empleyado, taga-Makati man o hindi ang may-ari.

Hinihikayat ko rin ang mga supplier ng mga negosyo sa Makati na magpa-accredit na upang makibahagi sila sa benepisyong hatid ng MASB program.

Sa mga negosyante at supplier sa Makati, abangan ninyo ang mga susunod naming abiso para sa online application sa My Makati Facebook page.

Asahan ninyong may mga karagdagan pa kaming mga hakbang upang tulungan ang hanay ng mga negosyo dito sa lungsod ng Makati at pasiglahing muli ang lokal na ekonomiya, nang sa gayon ay patuloy na mabigyan ng matatag na hanapbuhay ang itinatangi naming #ProudMakatizens.

vuukle comment

SMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with