^

PSN Opinyon

TikTok bakit kaduda-duda

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Inggit lang ba ang tech developers at kapitalista sa tagumpay ng app na gawang China? O may basehan ang pangamba ng mga gobyerno na pang-espiya ito sa lipunan ng mga komunistang naghahari sa Beijing?

Mas maraming nagda-download ng TikTok kaysa Face­book, Instagram at WhatsApp. Ang may-ari, ByteDance, ay pinakamahal na tech firm, $100 bilyon, sa labas ng stock market. Sa Kanluran mahigit 110 milyon ang gumagamit nitong video platform, bukod pa sa Asia.

Kawili-wili ang app. Pagbukas magpapalabas ito ng walang patid na maiikling videos. (Marami tungkol sa Chi­­nese army na nag-eensayo, mala-propaganda.) Maaring markahan ang nagustuhan, at i-swipe para palitan ang ‘di interesante. Sa bawat kalabit nababatid ng algorithm ang hilig ng user; otomatikong isusunod nito ang mas kagi­giliwan na video. Mas abante ang TikTok sa “automated content-recommendation system” kaysa pinahihintulutan sa tech firms sa Kanluran -- pero “nakaka-adik” sa guma­gamit. Tulad ng ibang social media, maari sundan ng users ang paboritong tao, i-like ang posts, magkomento, at mag-share ng laman sa ibang apps. Puwede “mag-duet” ng mara­ming videos ng kanta, sayaw o anoman. May lip-sync pa, at mga balita tungkol sa COVID-19 pandemic.

Pero binawal ang paggamit ng Tiktok sa US Armed Forces, Dept. of Homeland Security, Congress, at marami pang ahensiya. Gayundin sa German foreign ministry at buong gobyerno ng Taiwan. Nagbabala na rin sa Bri­tain, Canada at Australia. Sa India pinayuhan ang madla na burahin ang TikTok sa lahat ng gadgets.

Anang mga eksperto sa teknolohiya sa US, Taiwan at India lihim na inaani ng Tiktok ang data tungkol sa users­. Magagamit daw ito pang-estafa. Mas malala, maipang-eespiya sa lipunan, tulad ng ginagawa ng China sa sariling­ mamamayan. Bukod du’n, obligado lahat ng tao at kompanya sa China na umasiste sa intelligence operations ng estado at militar. Kaya kung may TikTok ka, malamang binabantayan ka ng Komunistang China. Para saan? Sa kalaunan malalaman din natin ‘yan.

vuukle comment

TIKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with