^

PSN Opinyon

Muling pagbubukas ng tourist spots sa Mindanao

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Napakaraming tourist spots sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao lalo na at punumpuno sa kultural at tradisyon ang katimugang bahagi ng bansa.

Napakaraming magandang tanawin sa Mindanao,

At maliban sa kultura at tradisyon, kilala rin ang Mindanao sa mga natural tourist spots kagaya ng magagan­dang waterfalls, mga island at iba pang resorts o mga farm tourism places  dito.

May higit anim na buwan ding ipinatupad ang lockdown sa buong bansa at napilitang magsara ang mga negosyo kasali na ang mga hotels, restaurants at tourist spots  sa katimugan.

Kaya nang nagdeklara na ang pamahalaan na puwede na ang muling pagbubukas ng mga tourist-related establishments, muling nabuhayan ang mga taga-Mindanao na umaasang mabigyang buhay sila muli at makapagla-lakbay kahit domestic travels muna at nang mapuntahan ang mga sinasabing tourist spots.

Ngunit sa muling pagbubukas ng tourist spots, nakasaad din ang panukalang kailangan pa rin ang maigting na pagpatupad sa mga health protocols upang maiwasan ang spread ng COVID-19.

Sa kagustuhan nating buhayin ang ating ekonomiya, sana isipin din natin ang nakasanayang pag-iingat at pagsunod sa health protocols.

Kita-kits tayo sa Mindanao.

vuukle comment

NEGOSYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with