^

PSN Opinyon

President Duterte nilunok ang pride

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ALAM ng buong mundo na galit si Presidente Duterte sa United States at ibinaling na ng Pilipinas ang paki­ki­pag-alyansa sa China. Kaya lumulutang ang mga espe­kulas­yon na ang absolute pardon kay US Marine­, Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na mula sa Presidente­ ay may hinihintay na sukling political favor mula sa America, bagay na pinabulaanan­ ni Foreign Affairs Secretary Teddy-Boy Locsin.

Magugunita na si Pemberton, isang US servicemen na nasa bansa noon bilang bahagi ng idinaos na US-Philippines Balikatan war exercise ay nasentensyahan­ ng pagkabilanggo sa pagpatay sa isang Pilipinong trans­gender na si Jennifer Laude. Noong panahon lang ni dating Panulong Noynoy Aquino nangyari ito. Parang na­pa­­kabilis naman na si Pemberton ay pinalaya na.

Totoong may kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng clemency o pardon sa sino mang bilanggo, pero ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit niya iginawad ito sa isang Amerikanong gumawa ng isang buktot na krimen sa Pilipinas lalo pa’t umuusok ang ilong niya sa galit sa Amerika na kanya pang minumura lalo na nung pana­hon­ ni Presidente Obama. Isa pa, galit din ang Pa­ngulo sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen na aniya’y dapat patayin agad.

Pero para kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng ginawa ng Pangulo ito para mabigyan ang Pilipinas ng prayoridad sa bakuna laban sa COVID-19 kapag ito’y sinimulan nang ipamahagi ng US. Kung tama ang tinuran ni Roque, tingin ko ay hindi dapat magsalita ng tapos ang Pangulo dahil baka dumating ang situwas­yon na lunukin niya ang sarili niyang salita.

Noong umaapoy pa sa galit ang Pangulo, tahasang sinabi niya na tapos na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika. Pinahinto pa niya ang Balikatan na hindi naglaon ay ibinalik din naman. Ngayong tayo ay kasama ng buong mundong nakikibaka sa pandemia, tinitingala din pala natin ang Amerika sa dini-develop  nitong vaccine at umaasa tayong mabibigyan tayo ng prayoridad.

vuukle comment

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with