^

PSN Opinyon

Bakit dapat physical distancing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Payo ng World Health Organization isang metro (higit tat­long piye) na physical distancing para iwas-hawa sa COVID-19. Mas agwat ang nais ng iba. Sa Germany mag­­kalayo dapat nang 1.5 metro. Sa America, ayaw sa metric system, anim na piye (1.8 metro). Sa Britain ang alituntu­ning 2 metro­ ay binabatikos na overacting. Sa Denmark kina­lahati ang dating takdang 2 metro. Bakit iba-iba sila? Ligtas ba talaga ang 2 kaysa 1 metro? (Ayoko sa terminong “social” distancing: kontra sa ugaling makisama.)

Tulad ng anomang payong medikal, ang physical distancing ay mainam ituring na giya kaysa batas. Halimbawa, payo sa Europe kumain ng limang subong gulay at prutas kada araw. Hindi literal ‘yon; ibig lang sabihin mas mabu­ting maraming gulay at prutas kaysa karne at keso. Gay’un din, hindi kailangan maging doktor para mabatid na kung mas malayo ka, mas malamang hindi mahawa sa maysakit. Mula pa dekada-1930 ang payong 1 metro ng WHO. Kapag nagkasakit -- o mas malala, umubo -- ang may C-19, nagbubuga siya ng maliliit na droplets na puno ng coronavirus, na maari masinghot ng kausap o dumadaan.

Hindi lang distansiya ang pambawas sa tsansang magka-C-19. Siyempre dapat umiwas sa positibong im­pektado; kung tiyak na walang sakit, puwede magla­pitan. Nariyan din ang pisikal na harang: facemask, kur­tinang plastic, at plexi-glass. Mas ligtas din sa bukas kaysa kulob, labas kaysa loob na pook. At mas magkakahawaan kung direktang magkaharap ang nag-uusap, kaysa magkatabi, lihis, o talikuran.

Napapagod na ang mga tao sa mga alituntunin ng gobyerno -- lalo na’t malimit masaksihang lumalabag ang opisyales. Pero mabuti pa rin na masanay lahat na mag-ingat. Matagal pang magkaroon ng gamot o bakuna kontra C-19, o dumating ito sa bansa. Kaya iwas mag­tagal sa kuwarto, dikit-dikit, at nagsisigawan, kantahan, at bugahan. Buti sana kung malumanay lang ang tama ng C-19; kung kritikal -- patay na!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with