^

PSN Opinyon

DOH naghahanap ba ng damay?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Binabatikos ng Department of Health (DOH) ang pro­yekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na paglalatag ng puting buhangin sa buong dalampasigan ng Manila Bay. Ani DOH Secretary Rosario Virgeire, masama sa kalusugan ang tina­tawag na “dolomite” na ginagamit sa paggawa ng white sand kapag ito’y nakain o nasinghot.

Pero sino namang matino ang isip na kakain o si­sing­hot ng buhangin? For that matter, kahit anong lupa pa ang kainin ng tao ay puwedeng maging lason. Ang white sand ay ginagamit na rin ng ibang bansa sa pag­papaganda ng mga beaches nila bilang pang-akit ng mga turista. Ang puting buhangin ay hindi kayang ta­ngayin ng hangin tulad ng alikabok para malanghap ng tao.

Maraming mga kapalpakan ang gobyerno na lagi kong binabatikos sa kolum na ito, pero ang isa sa mga pinupuri ko ay ang walang humpay na gawain ng DENR para linisin ang kapaligiran lalo na ang karagatan at mga dalu­yan ng tubig. Napapanahon iyan lalo na sa panahon ng pandemya.

Ayaw kong isipin na naghahanap ng damay ang DOH sa mga katiwaliang kinasangkutan nito sa panahon na may krisis tayo sa COVID-19, kung kaya naghahagilap ng ibang ahensyang maaaring batikusin.

Pero paano mo tutuligsain ang isang proyektong ma­ganda at isinusulong ng may political will para sa kapa­kanan ng taumbayan? Nasabi ko na ito at gusto kong ulitin: bago pa man sumulpot ang issue sa COVID, na­ila­tag na ng DENR ang programa sa paglilinis at rehabili­tasyon ng mga katubigan. Aprobado iyan ng kongreso at pinaglaanan na ng pondo ito.

vuukle comment

DENR

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with