^

PSN Opinyon

PH kumalas sa joint patrols ng mga kaalyadong navies

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

INIATRAS ang mga sundalong Pilipino mula sa joint naval exercises sa West Philippine Sea. Nilimita ni President Rody Duterte ang drills nila sa karagatang teritoryo lang, 12 milya mula pampang. “Umiiral ang utos niya sa amin, sa akin, na huwag lumahok sa naval exercises sa South China Sea, maliban sa pambansang dagat, ‘yung 12-mil­yang distansiya mula pampang”, ani Defense Sec. Delfin Lorenzana nu’ng Agosto 3.

Ininterbyu si Lorenzana tungkol sa pag-amin ni Duterte na “inutil” siya sa pamamasok ng China sa WPS, o 200-mil­yang exclusive economic zone ng Pilipinas sa SCS. Wala umanong magagawa kontra sa bansang may nuclear arms. (Ang 12 nautical miles ay 22.224 kilometro; reserbado ng batas hanggang 30 kilometro ng tubig na munisipyo para sa maliliit na mangingisda.)

Nu’ng linggong ‘yon namataan muli ang dalawang Chi­nese ships na nag-e-explore sa Recto Bank sa gilid ng Palawan. Naghahalinhinan ang Xiang Yang Hong-14 at Hai­yan Dizhi Hao-12 sa Recto na mayaman sa langis at natural gas, anang militar. Huling nakita ru’n ang XYH-14 nu’ng Agosto 6-7, habang pabalik ang HDH-12 sa Mis­chief Reef na inagaw ng China mula sa Pilipinas at ginawang island fortress.

‘Yan ang epekto ng pag-atras sa joint naval patrols ng America, Japan at Australia sa WPS. Inaasinta ng China ang yamang dagat ng Pilipinas. Binubugaw ng mga arma­­dong barko nila ang exploration vessels ng Pilipinas at mga nilisensiyahan ng Dept. of Energy. Binabaril at wino-water­ cannon ang mga mangingisdang Pilipino. Mahigit 1.2 bilyong kilo ng isda ang ninanakaw ng Chinese poachers sa Mischief at Subi Reef na inagaw din mula sa Pilipinas. Nu’ng Hunyo 2019 binangga ng lantsang bakal ng Chinese maritime militia ang naka-angklang kahoy na bangkang GemVer-1, at inabandona ang 22 Pilipinong tumilapon sa madilim, malamig, at malalim na tubig.

Mayo 2016 pa huling nambihag ang Pilipinas ng Chinese poachers.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with