^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tutukan pa ang mga corrupt sa Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tutukan pa ang mga corrupt sa Immigration

Kinasuhan ng graft ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 19 na Bureau of Immigration officials na sangkot sa ‘‘pastillas’’ modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Bukod sa 19 na opisyal, kinasuhan din ang may-ari ng travel agency at isang sekyu sa NAIA.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ noong nakaraang Enero­ nang ibulgar ng isang Immigration employees na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Bawat Chinese umano ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kahirap-hirap. Nangyayari umano ang “pastillas”’ modus sa NAIA Terminal 1 at 3. Nagsi­mula ang modus noong 2016.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pamsalubong na “pastillas. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sina Grifton Medina, senior Immigration officer at Deon Carlo Albao, deputy terminal head sa NAIA Terminal 1. Kinasuhan din ang security guard na si Fidel Mendoza na may net worth na P7.8 million at isang nagngangalang Liya Wu, may-ari ng travel agency. Si Wu umano ang nakipagsabwatan sa Immigration officials at nagpo-provide ng pangalan ng mga Chinese POGO workers na paparating sa NAIA. Si Wu rin umano ang nagpapasya kung magkano ang ibabayad ng Chinese para palusutin ng Immigration officials.

Hindi lamang mga Chinese ang pinagkakaperahan ng mga corrupt Immigration official kundi pati ang mga Korean. Noong nakaraang taon, 15 South Koreans na nakatira sa Angeles City, Pampanga ang nagreklamo na hiningan sila ng pera ng mga taga-Immigration kaugnay sa overstaying. Kung hindi magbibigay ang Koreans, aarestuhin sila at ikukulong. Dahil sa takot ng 15 Koreans, nagbigay sila ng P9.4 milyon sa mga corrupt na Immigration officials.

Magandang hakbang ang pagsasampa ng kaso sa mga tiwaling opisyal ng BI. Sana tuluy-tuloy na ang pagsasampa ng kaso sa iba pa. Isulong naman ni Immigration Comm. Jaime Morente na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal, empleyado at pati sekyu. Kapag hindi ito ginawa, magpapatuloy ang katiwalian sa Immigration. Palalamigin lang ng mga corrupt ang isyu sa “pastillas” at magluluto na naman sila ng panibagong pagkakakitaan. Tutukan ito.

vuukle comment

NAIA

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with