^

PSN Opinyon

Mga maka-Diyos kontra sa makasariling Cha-Cha

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sinasamantala ng mga ganid na politiko ang pandemya. Habang naka-lockdown lahat, kukutingtingin nila ang Konstitusyon. Kunwari’y magdaragdag ng probisyong makatao. Pero ang totoo’y magsisingit ng term extensions. Aalisin ang halalang 2022 sa kung anu-anong dahilan. Magpapatuloy sila sa puwesto – at sa kurakot – nang walang balota.

Ginawa ‘yan noon ni Ferdinand Marcos. Dahil hindi na puwede ma-reelect pa, nag-martial law siya nu’ng 1972. Sinara ang Kongreso at lahat ng media outlets; ikinulong ang Oposisyon at mga intelektuwal. Kesyo raw susunugin ng mga teroristang komunista ang Maynila, kaya sa bahay lang dapat lahat. Pinunit ang Konstitusyon. Sa gawa-gawa niyang Saligang Batas itinalaga ang sarili na Presidente habambuhay. Inotorisa ang sarili na magtalaga ng tsutsuwang parliament at lokal na opisyales. Sa loob ng 14 na taon kinulimbat niya at ng cronies ang yaman ng bayan. Inagaw nila ang mga kompanya ng umano’y oligarchs.

Naghirap ang mamamayan. Nagtiis at nagdasal ang mga maka-Diyos. Tinanaw ito nina Marcos at mga kampon bilang kahinaan. Imbes na magbago lalo silang umabuso. Nang-torture at pumatay – hanggang nagpasya ang taum­­bayan: “Tama na, sobra na, alisin na!” Sumiklab ang  ma­payapang People Power Revolt nu’ng 1986. Talsik sa poder si Marcos.

Hindi nawawala ang kasamaan. Tumatabi sandali ang demonyo, tapos muling umuudyok sa mga ganid na puli­tiko na mangalap ng kapangyarihan at nakawan ang bayan. Mababatid ‘yan sa kasaysayan.

Kaya ayan na naman ang political dynasties. Mag-aasawa, magkakapatid, mag-aanak at magulang – sabay-sabay o halinhinan sa Kongreso at lokal na posisyon. Nag­papapuwesto pa sa burokrasya o sa Hudika­tura. Sila-sila lang. At ngayon mamadyikin pa ang Konstitusyon para wala nang alisan sa poder. Pero lalaban muli ang mga maka-Diyos.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CHA-CHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with