^

PSN Opinyon

Flattening the curve

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ano ang Ibig sabihin nito? Sa pagdo-drawing ng graphics­ para ilarawan ang isang kondisyon, gumagamit ng matuwid na linya at umbok. Ang tuwid na linya ay nangangahulugan ng kawalang pagbabago at ang umbok o curve ay nagpapahiwatig ng paglubha o pagbuti, depende sa inilalarawang kondisyon.

Kung economic condition ang inilalarawan, ang “curve” o umbok ay magandang indikasyon ng pag-unlad ng kabuhayan. Hangga’t tumataas ang umbok, mas mabuti. Kapag bumaba ang umbok at naging tuwid na linya, ang ibig sabihin ay bumaba at naging mabagal ang usad ng kabuhayan.

Kung ang tinutukoy naman ay ang pandemia, hangga’t mataas ang umbok ay nangangahulugang nasa seryosong kalagayan pa ito. Kaya tayo nagdarasal lagi na sana ay maging “flat” na ang kurbada na isang inaasam nating sitwasyon para unti-unti man ay mawala na ang nakaka­kilabot na COVID-19. Hanggang ngayon ay wala pang kinu­kumpirmang flattening of the curve ang mga awtoridad ng pamahalaan.

Pero ayon kay National Task Force on COVID chairman, Defense Secretary Delfin Lorenzana, umaasa ang pamahalaan na sa pagtatapos ng buwang ito ng Set­­­yem­­bre, makakapagtala na ng paghupa sa karamdamang ito na sumasalanta sa buong daigdig.

Sabi ni Lorenzana, umaasa siyang patuloy na mangyayari ang pagbagsak sa kaso ng mga tinatamaan ng CO­VID upang maluwagan na rin ang ipinatutupad na qua­rantine level sa iba’t ibang lungsod at bayan na mahigpit pa rin ang ipinatutupad na quarantine rules.

Dagdag ni Lorenzana, nais ng pamahalaan na maipailalim na sa Modified General Community Qua­rantine o MGCQ ang buong bansa pagpasok ng Nobyembre. Mahalaga nga naman ito para unit-unti man ay maibalik na sa normal ang takbo ng lahat ng negosyo sa bansa.

Sana nga. Dagdagan pa natin ang panalangin para ang darating na Pasko ay tunay na maging maligaya sa pagsalubong natin sa kapanganakan ng ating Mesiyas.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with