^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kasuhan, nagtapon ng used rapid test kits

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kasuhan, nagtapon ng used rapid test kits

MARAMING iresponsable at ignorante sa pagta­tapon ng hazardous wastes. Dahil sa kanilang ginagawa, posibleng dumami pa ang mahawahan ng coronavirus at lalo pang lumubha ang sitwasyon sa bansa. Dati mga used face masks lamang ang makikitang kakalat-kalat sa kalsada pero ngayon, pati used rapid test kits ay nagkalat na rin. Lubhang napakadelikado ng ginagawa ng mga taong ires­pon­sable. Sa halip na ilagay sa isang selyadong lalagyan­, sa basurahan na nakabuyangyang inilalagay. Habang marami ang nag-iingat para hindi mahawa, marami pa rin ang walang pakialam kung kumalat man ang sakit.

Noong Martes, nakunan ng CCTV ang isang lalaking naka-pedicab at may mga dalang basura. Nasa pedicab niya ang isang itim na garbage bag. Wala siyang kamalay-malay na nabutas na pala ang bag at habang tumatakbo ang pedicab, naglalag­lagan ang mga laman nito. Nang suriin kung ano ang mga nalaglag at nagkalat sa kalsada, mga used rapid test kits! Nangyari ang insidente sa M. Dela Fuente Street sa Sampaloc.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na linisin ang lugar. Siguruhin na napulot lahat ang nagkalat na test kits. Kasunod ay iniutos ang pag-disinfect sa lugar. Nilinis agad para walang mahawa. Agad din namang ipinag-utos ang pag-tract sa posibleng pinanggalingan ng used test kits. Kahapon, nalaman na galing sa isang clinic sa Carlos Palanca St. ang mga used test kits. Doon ito kinuha ng naka-pedicab na magbabasura.

Ayon kay Moreno, kung naging maayos ang pag-disposed ng used test kits, hindi ito mapapasa­kamay ng namumulot ng basura. Ayon pa sa mayor, kapag napatunayan kung saan talaga galing ang used test kits, maaaring maipasara ang establisimento. Kakasuhan ito ng paglabag sa Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1999) at  RA 9003 (Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Dapat managot ang establisimento na nagtapon ng used test kits. Sampolan ito para maging halim­bawa sa iba pa na hindi dapat tapon nang tapon ng hazardous wastes lalo pa sa panahong ito na may pandemya.

vuukle comment

RAPID TEST KITS

WASTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with