^

PSN Opinyon

Mahihirapan kang maisahan ang senior

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Iniabot ng lola ang bankbook sa teller at nagwika na magwi-withdraw sana siya ng P500. Agad isinoli ng teller ang libreto at nagsabi na kapag mas mababa sa P5,000 ang withdrawal ay dapat sa ATM. “Bakit?” tanong ng lola. Medyo inis sumagot ang teller: “Kasi ‘yon po ang patakaran, kaya kung wala na pong ibang kailangan ay umalis na po kayo sa pila dahil marami pa kayong kasunod.”

Nanahimik sandali ang lola, tapos binigay muli sa teller­ ang libreto. “Paki-withdraw na lang lahat ng pera ko.” Tining­nan ng teller ang bankbook, medyo nagulat, at sumagot: “Lola, pasensiya na po kayo, mahigit P3 milyon ang deposito niyo. Wala po kaming ganyang cash sa vault ngayon. Pero kung makakapag-appointment kayo at makakabalik bukas, ihahanda po namin ang buong halaga.”

“Hanggang magkano lang ang maari kong i-withdraw ora mismo?” tanong ng matanda. “Kahit magkano po hanggang P300,000,” ani teller.

“Kung gan’un magwi-withdraw ako ng P300,000,” sabi ni lola. Dali-dali prinoseso ng teller ang transaksiyon, kumuha ng cash sa vault, at binilang ang P300,000 sa harap ng matanda. “May bag po ba kayo para diyan, Lola?” tanong niya habang isinosoli ang bankbook.

“Wala e,” ani lola. “Pero kailangan ko lang ng P500.”  Kumuha siya ng isang P500-bill, isinilid ito sa bag niya, sabay bilin sa teller: “Heto ang bankbook ko, paki deposito nga muli lahat ng natitira sa account ko.”

Walang magawa ang teller kundi sumunod sa lehitimong pakiusap ng valued depositor.

Huwag isiping maiisahan mo ang senior citizens. Tandaan na malalim ang karanasan nila sa iba’t ibang sitwasyon, at kakaiba ang pagtingin nila sa sitwasyon kaysa millennials. Mas mabuti na matuto sa kanila, at ipagdasal na turuan pa nila ang kabataan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ATM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with