^

PSN Opinyon

Godzillang Pinay

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Ang bagong Sporting Superstar ng Pilipinas ay isang 19 year old na teenager mula sa San Ildefonso, Bulacan. Siya’y si Bb. Yuka Saso, ang No.1 golfing sensation sa tanyag na Ladies Professional Golfers Assocation ng Japan.

Si Yuka ay Fil-Japanese. Ang kanyang inang si Fritzie ay purung-purong Pilipina. Dahil Japanese ang ama, doon sila namalaging magpamilya sa Tokyo. Subalit si Yuka ay Pinay na Pinay: pinalaki sa adobo, kay Vice Ganda­, at sa mga kaugaliang atin. Dahil sa kanyang pag­kagumon sa golf, minabuti nilang dito mamalagi si Yuka dahil akma ang kapanahunan dito sa kanyang outdoor sport.

Naging regular si Yuka sa mga junior golf event. Lagi itong nangunang katawanin ang bansa sa mga international junior amateur tournament. Noong 2018, siya ang nanguna sa Philippine Women’s Team na maagaw ang makasaysayang Team Gold Medal sa Asian Games. Siya rin ang nagwagi ng Individual gold medal sa isang gipitang laban kung saan lumabas ang tibay ng kanyang dibdib.

Itong karanasan sa paligsahan ay tangay niya, kasama ng angking husay, sa pakikipagsapalaran sa Japan bilang propesyonal. At doon, sa loob ng tatlong tournament pa lang na sinalihan, ay nakamit niya ang 5th place sa una, at sa sumunod na dalawa, nasungkit niya kapwa ang kampeonato. Siya ang kauna-unahang Pilipinang nanalo sa Japan. Doon, ang tawag sa kanya ay si “New Godzilla”.

Halos P27 million na ang kanyang napanalunan. Umpisa pa lamang ito ng isang mahabang karera para sa karangalang pansarili at para sa bansa. Nakatutuwa na agad nitong nakamit ang ganito kalaking biyaya. Noong nanalo sa Asian Games, ang kanya sanang premyo ay aabot ng mahigit P10 million. Subalit hindi ito nag-alinlangan at tinanggihan ang pabuya. Sa halip, pinaubaya ang malaking halaga sa National Golf Association of the Philippines upang masuportahan ang mga bata na tulad niyang nangarap.

Ngayong linggo ng mga bayani, tama lang na kilalanin natin si Yuka Saso na tunay nating maipagmamalaki bilang international champion at bilang dakilang Pilipino.

vuukle comment

PGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with