^

PSN Opinyon

Hilamos para sa kinabukasan

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Bilang residente ng Maynila at dating kawani ng Pama­halaang Lungsod (halos 25 na taon), ikinatutuwa ko ang lahat ng kontribusyon ng nanunungkulan, basta sa ikagiginhawa ng mamamayan. Mula kay Mayor Gemiliano Lopez­, Jr., taong 1988, hanggang kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong 2019, ako po ay pinagpalang makapaglingkod sa Maynila sa ilalim ng pamunuan ng lahat ng naupong punong lungsod.

Bawat isa sa kanila ay may nagawang kabutihan. Lahat ay naging arkitekto ng muling pag-angat ng lungsod­ mula sa dating kinasasadlakan. Sino mang maupo bilang mayor ay pihadong may programa para sa social services ng resi­dente (edukasyon, kalusugan at iba pang benepisyo­), sa seguridad at kaligtasan, para sa mga negosyo at, siyem­pre, para mapondohan ang lahat ng planong magam­panan.

Si Mayor Domagoso, hindi lamang ang mga mala­king pagbabago ang tinututukan. Maging ang sentro ng pama­halaan sa lungsod, ang City Hall, na kapanahunan pa ng World War II nang huling mapaayos, ay inatupag nang husto. Tama naman ang alkalde na simbolo ng lung­sod ang kanyang mismong Kapitolyo. Kung kaya hindi lamang ang mismong City Hall, kung hindi ang palibot nitong mga lugar gaya ng Bonifacio monument, ang agad niyang binihisan.

Itong latest niyang proyektong pinasinayaan ay mag­hahatid ng saya at karangalan sa Manilenyo. Ang Lagus­nilad Underpass na koneksiyon ng Intramuros patungo sa City Hall na dumaraan sa ilalim ng J.P. Rizal ay hinila­musan at pinaganda. Nilagyan ng CCTV para sa protek­syon­ ng mga dumaraan. Ang mga tiles sa sahig ay gina­­wang non-skid nang hindi madulas, lalo na para sa mga senior citizen. At napakagandang “touch” ‘yung mural na ipinintura na mala-Botong Francisco ang anyo.

Alam ng lahat na pag-aari ng lungsod sa loob ng Bulwagan sa Office of the Mayor ang National Treasure na “Filipino Struggles Through History”. Ito ang tema na ginamit ng team na gumawa ng mural na nanggaling sa UST College of Architecture. Mga landmark ng Maynila at importanteng kaganapan sa kasaysayan ng lungsod. Isa itong mabisang paraan upang matutunan at maipagmalaki ang ating kultura at pinanggalingan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with