^

PSN Opinyon

Kaya ba nating panindigan ito?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa malapit na hinaharap, posibleng magkakaroon ng radikal na pagbabago sa ating pasaporte. Ililimbag dito ang mapa ng Pilipinas na kasama ang West Philippine Sea at ang Sabah na bagama’t parte ng Pilipinas nung unang panahon ay bahagi na ngayon ng Malaysia dahil sa tek­ni­­kalidad.

Inaprobahan na ng House panel ng Kamara de Repre­sentante ang paglilimbag sa pinalawak na mapa ng Pili­pinas sa ating pasaporte. Ano kaya ang magiging reak­syon ng mga bansang may paghahabol sa pinagtatalunan pang WPS partikular na ang China, at ang Malaysia?

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, nila­layon ng House Bill 6399 na bigyang diin ang tagumpay ng Pilipinas laban sa WPS na pinagtibay ng International Arbitral Tribunal noong panahon ni Presidente Noynoy Aquino sa The Hague Netherlands, gayundin ang ating historical rights sa Sabah.

Alam na ng lahat na ang Sabah ay inarkila ng Britanya nang sakupin nito ang Malaysia, kaya nang bigyan ng kala­yaan ang Malaysia, ang Sabah ay naging parte ng ng natu­rang bansa sa kabila ng patuloy na pag-aangkin ng Pili­pinas dito.

Tiyak na may diplomatic impact nito. Malamang mag­hahain ng protesta ang mga kinauukulang bansa lalo na ang China at Malaysia kapag ang bagong batas sa pasa­porte ay naipatupad. Pero para sa akin ay tama lang ito dahil matagal na tayong susukutsukot sa pambu-bully ng China pero tila amen lang ng amen ang administrasyon.

Maliit nga tayong bansa pero hindi nangangahulugan at hindi na natin ipaglalaban ang ating karapatan. Sayang naman ang dugong ibinuwis ng ating mga bayaning naghandog ng buhay para sa ating kalayaan at soberenya.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with