^

PSN Opinyon

Bakit idinadawit si Sen. Hontiveros

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kasalanan ng kalabaw, tupa ang hinahataw? Pulos appointee ni President Duterte ang dawit sa monumental P15 billion corruption sa PhilHealth pero bakit ang sinisisi ay si Sen. Risa Hontiveros na napakatagal nang hindi konek­tado sa nabanggit na ahensya?

Binubuhay muli ng mga supporters ng Pangulo sa social media ang mga patay nang alegasyon laban kay Senadora Risa Hontiveros, na dating opisyal ng PhilHealth noong 2014 at 2015. Ayon mismo sa dating anti-fraud officer ng ahensiya, nitong 2019 lang naganap ang P15 billion anomaly sa ahensiya dahil sa overpricing ng equip­ment at pagmanipula ng reimbursement sa mga ospital.

Working hard muli si OWWA Deputy Administrator Mocha Uson at ang kanyang mga kapwa DDS blogger. Dapat daw kasamang magpaliwanag si Hontiveros sa mga nangyayari sa PhilHealth ngayon kahit matagal na itong wala sa puwesto. Pero nabunyag nga na sa Southern­ Philippines Medical Center (SPMC), sa Davao City napunta ang pinakamalaking halaga ng reimbursement mula sa PhilHealth para sa COVID-19 patients, kahit wala ang Davao sa mga lugar na maraming kaso.

Puro walang basehan ang mga akusasyon laban kay Hontiveros at pulos kasinungalingan. Si dating PhilHealth CEO Alex Padilla ang mismong nagpatotoo na ni singkong duling ay walang nagamit sa mga advertisement ni Hontiveros noong ito ay kumandidato sa 2016 elections.

Kinumpirma rin ng Commission on Audit (COA) nitong 2018 na hindi dawit si Hontiveros sa iregularidad sa mga bonuses sa PhilHealth. Hindi ko rin mawari kung bakit iginigiit na 2014-2015 daw nangyari ang pumutok na “dia­lysis scam” sa PhilHealth gayong ayon sa Department of Health, 2016 ito nangyari - isang taon matapos umalis si Hontiveros sa ahensiya.

Sa mga pilit idinadawit si Hontiveros sa isyu, tandaan na wala kailanman naging imbestigasyon laban sa Senadora sa Senado, at malinis ang public service record niya ayon mismo sa COA at PhilHealth. Ni wala kahit isang sentimo na ipinasosoli ang COA sa kanya noong magserbisyo sa PhilHealth hindi katulad ng ibang bumabatikos sa kanya.

Sa dami ng fake news na naglipana sa issue ng PhilHealth, huwag sana matakpan at malihis ang imbestigasyon sa mga seryosong alegasyon laban sa  mga kasalukuyang opisyal nito. Kahit pa malapit sa nakatataas, dapat ay masampolan ang mga opisyal na kinukupit ang pera na dapat sana ay para sa ating kalusugan.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with