^

PSN Opinyon

OTG – Susi sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga Batang #ProudMakatizen

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Mainit na usapin ngayon ang kahandaan ng ating mga guro, mag-aaral, pati na ang kanilang mga magulang sa pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021, sa gitna ng COVID-19.

Ganunpaman, sinisikap namin sa Makati na maging progresibo ang sistema ng edukasyon ng mga kabataan gamit ang teknolohiyang madali nang aralin ay madali pang gamitin.Sabi ko nga, interactive na, user friendly pa. Lalo na ngayon na halos lahat ng mga bata ay may ready access sa smart phone o tablet.

* * *

Sa tulong ng DepEd Makati, may naihanda na kaming 85,000 learner’s package na may tig-iisang On-The-Go (OTG) flash drive at printed modules, para sa mga mag-aaral sa public elementary at high school.  Kahit walang internet connection, maaaring magamit ang OTG flash drive na naglalaman ng digitized learning modules, tulad ng videos, illustrations, at interactive exercises na dinebelop ng DepEd Makati. Mayroon din itong digitized self-directed learning modules at Video Broadcast Edition (VIBE).

Taglay ng OTG ang apat na iba’t ibang plugs na maaa-ring i-connect sa smartphone na android o iOS, tablet, laptop, desktop, pati na sa smart television.

Matapos i-upload ng mga guro sa OTG ang mga leksiyon para sa buong linggo, kukunin ito ng mga magulang kasama ang printed version. Kapag walang magamit na gadget, sasagutan lamang ng estudyante ang exercises sa modules at pagkatapos ay isusumite ito ng kanyang magulang sa guro. Ngunit huwag mag-alala dahil magpapadala kami ng mobile learning hubs sa mga barangay upang tulungan ang mag-aaral pati ang kanilang magulang na walang kagamitan. Lalagyan namin ang bawat hub ng mga laptop at internet connection, pati na mga libro at supplementary materials. May nakaantabay ding professional teachers, teacher assistants o youth volunteers upang magbigay ng tutorials sa mga nais magpaturo.

Bibigyan din namin ng libreng internet load limang oras kada araw ang mga mag-aaral upang ma-access din ang digitized lessons at iba pang references na nasa DepEd Makati Learning Resources Portal, pati na ibang online apps tulad ng Google Classrooms, Facebook Messenger, at Google Meet na magagamit sa online teaching at follow-up sessions. Pinalakas din namin ang free public wifi system ng lungsod.

Para naman sa mga teachers, mahigit 2,500 ang bibigyan namin ng laptop at libreng internet connection araw-araw para sa pagsasagawa ng online activities at sessions.

* * *

Nagpapasalamat ako sa pagtitiwala at suportang ipinakita ng mga magulang at mag-aaral sa pamamagitan ng higit 100 percent enrolment rate na nakamit sa public schools ng Makati. Sa ngayon, umabot na sa 82,760 ang mga mag-aaral na naka-enrol, bukod pa sa 911 na naka-enrol sa Alternative Learning System (ALS).

* * *

Mahirap man, malaki ang tiwala ko na sa pagtutulungan ng mga guro, magulang at mag-aaral, lalo pang aangat ang kalidad ng edukasyon sa Makati.

Para sa mga batang Makatizen, walang mahirap at lalong walang imposible!

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with