^

PSN Opinyon

P10-B ayuda sa tourism ibig gampanan ng DOT?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Gusto ni  Tourism Congress of the Philippines president Jose Clemente III na bigyan ng direktang tulong o “dole out” ang mga pribadong kumpanya sa tourism industry mula sa Department of Tourism. Pero bawal sa batas ang pagbibigay ng dole out ng gobyerno sa pribadong negosyo.  Sa kabila nito,  iniindorso ni Tourism Secretary Berna Romulo ang nais ni Clemente.

Ang magagawa lang ng gobyerno upang tulungan ang tourism sector ay ang magbigay ng loan na ang mangangasiwa ay mga government financing institutions tulad ng Land Bank  o Development Bank of the Philippines, at hindi ang DOT.

Totoo naman na kailangang tulungan ang industriya ng tourism lalo na sa panahon ng pandemya. Pero dapat gawin ito nang naaayon sa batas. Sa panig ng Senado, ang P10 billion ay  inilaan sa Bayanihan To Recover as One Act  o Bayanihan 2 bilang pautang sa tourism sector. Ngunit sa bersyon ng Kamara, ang P10 billion ay para sa mga infrastructure projects ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ang suportang pinansyal sa turismo ay responsibilidad ng mga government financing institutions. P51 billion ang nakalaan diyan na ipapautang sa iba’t ibang negosyong naapektuhan ng COVID-19, kasama  ang tourism industry.

Sabi nga ni Deputy Speaker LRay Villafuerte, bawal ang pagbibigay ng dole out sa mga pribadong kumpanya. Pero iyan ang gusto nina Puyat at Clemente  para tulungan ang mga negosyong  tulad ng hotels, resorts at travel agencies gaya ng Rajah Tours na pag-aari ni Clemente.

Kailangang dumaan ang pagbibigay ng pautang sa tourism sa mga GFIs tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines.  Batid ng mga bangko kung sino ang dapat tulungan, magkano ang dapat ipautang, at paano ito mababayaran. Wala sa hurisdiksyon ng DOT na gawin ito.

Nakapagtataka kung bakit kumatig si Puyat sa pahayag ni Clemente na hindi kailangan ng tourism industry ang imprastraktura. Taliwas ito sa sinabi ni Romulo noon lang Marso  na may P14 billion ang TIEZA para sa infrastructure projects na aniya’y makatutulong para maiahon ang sektor ng turismo mula sa krisis ng COVID-19.  Ang infrastructure program nga mismo ang bubuhay sa ekonomiya at sasalba sa maraming sektor, kasama na diyan ang turismo.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with