^

PSN Opinyon

Hontiveros, kabahagi ng malignant na cancer sa PhilHealth

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ang garapalang katiwalian sa PhilHealth ay epekto lang nang malawakang problema. Isipin n’yo, tatlong Pre­si­dente­ ng Pilipinas ang dumaan: Gloria Macapagal-Arroyo­, Benigno­ “Noynoy” Aquino at ngayong termino ni Rodrigo Duterte saka sumabog ang bahong itinatago.

Sa tagal ng panahon, nabuo ang katiwalian sa PhilHealth at nang mahinog, nangamoy sa kasalukuyang adminis­trasyon.

Kung tutuusin, nalagay na sa isyu ng kontrobersiya ang PhilHealth kahit noon pang mga nakaraang administrasyon. Na-media nga, wala namang nangyari, hindi natinag ang mga sindikato sa loob.

Ang katiwaliang ito, hindi nangyari overnight o kahapon lang o noong nakaraang taon lang. Sabi nga ni Sen. Risa Hontiveros sa Senate hearing noong Martes, dalawang dekada itong nabuo.

Tama si Senator Hontiveros, halos dalawang dekadang umupo si Sec. Francisco Duque III sa PhilHealth.

Subalit, nakalimutan yata ni Senator Hontiveros na siya’y kabahagi ng malignant na cancer sa PhilHealth.

Worst, nakinabang siya noong director pa ng ahensiya.

Lumabas siya infomercial, billboards at bus advertise­ment ng PhilHealth noong 2015 bago siya tumakbong senador.

Alam ko, dedepensa na naman ang senadora, fake news, diversionary tactic.

Gigil na gigil ang senadora sa Senate hearing noong Martes. Ang kanyang bungad sa pagdinig: “Where is Duque”.

Ang galing mo Ma’am!

Siya nga pala, nasaan ka rin noong 2014-2015 nang mag-umpisa ang mga ghost at bogus dialysis ng mga pasyente?

Ano nga bang nagawa mo noon, Ma’am?

Akala ko’y babanggitin niya ang pangalan ko noong Martes sa galit sa mga nagpapakalat daw ng fake news tungkol sa kanya.

Kaya ang kanyang tinitira ay ang paboritong kaaway na si Mocha Uson.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with