^

PSN Opinyon

Ina na nakaratay sa ospital, pinabayaan ng mga anak!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Malaking kasalanan para sa akin kapag pinabayaan ng mga anak ang kanilang magulang. Lalo na kapag “loss of memory” na ang mga ito.

Kamakailan, nagsumbong sa BITAG ang caregiver ng dating aktres na si Leticia Talag. Buti pa ang caregiver, marunong maawa, umunawa at alam kung sino ang pag­su­­sumbungan.

Mahigit isang taon nang nasa St. Lukes-Taguig ang matanda. Ayon sa caregiver, pinabayaan at hindi na bini­bisita si Mommy Leticia ng kanyang tatlong anak na sina Wilfredo “Willy” Talag, Ana Rubie Barcelo at Butch Talag.

Napag-alaman ng BITAG na si Willy Talag ay kumandidatong mayor sa Makati, katunggali ng ngayo’y Mayor Abbie Binay. Hindi kailanman dumalaw si Willy sa kanyang ina sa ospital.

Habang si Dr. Ana Rubie Barcelo, isang dentista ay dumalaw isang beses ngayong 2020. Subalit ayon sa care­giver na nakausap ng BITAG, ayaw nitong saluhin ang mga responsibilidad sa ina – napakarami raw nitong alibi.

Si Butch Talag naman na nangagalaga sa ina at nagdala sa ospital, hindi na mahagilap at hindi sumasagot sa mga text at tawag ng ospital.

Nagsagawa raw ng imbestigasyon ang ospital at pinun­tahan isa-isa ang idineklarang address ni Butch. Subalit kung hindi raw doon nakatira ay not existing ang mga address.

Hindi ko alam kung anong klaseng sikmura at saan kumukuha ng tibay ng lamanloob ang magkakapatid.

Ayon pa sa caregiver, may isyu pa tungkol sa mana ang mga kolokoy na’to.

Ang nakakatawa pa, si Willy Talag ay naging Presidente pa ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation. Ang nasabing grupo ay nagbibigay ng pagkilala sa mga “Ulirang Ama at Ina” taun-taon.

Hindi ko estilong mamahiya. Pero layunin ng BITAG na makamtan ang hustisya at panagutin ang mga pabaya.

Kaya mahiya kayo sa mga balat at apog n’yo kayong magkakapatid na Talag.

Magdedemanda kayo? Bring it on!

Dapat lang na magpakita na kayo at panagutan ang mga obligasyon sa inyong ina na nakaratay sa ospital!

vuukle comment

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with