^

PSN Opinyon

Take ur pick sa PNP chief, Eleazar o Sinas?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Halos tatlong linggo na lang at magretiro na si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa subalit walang pang matunog na papalit sa kanya. Maging si Gamboa ay nagsasabing wala pa siyang inindorso sa Palas­yo dahil abala siya sa kampanya vs COVID-19. Hehehe! Joke lang ba ‘to? Alam naman sa Camp Crame kung sino ang manok ni Gamboa at ‘yan ay walang iba kundi si ..... Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaa!

Siyempre ang hot topic sa Camp Crame na puwedeng pumalit kay Gamboa ay sina Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Operations ng PNP at kasalukuyang hepe ng Joint Task Force COVID Shield at NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987 sina Eleazar at Sinas.

Malaki ang papel ng dalawa sa pakikibaka vs COVID na nananalasa pa sa bansa. Si Eleazar bilang over-all head ng PNP para masawata ang virus samantalang si Sinas naman ang tagapamahala sa frontliners sa Metro Manila. Dipugaaaa! Si Eleazar ay magreretiro sa Nob­yembre 2021 samantalang si Sinas ay sa Mayo.

Subalit kung paiiralin ang seniority, puwede ring makasingit si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ang PNP Deputy Chief for Administration na magreretiro sa darating na Nobyembre. Hindi naman katakataka kung maupo si Cascolan dahil sa AFP kahit ilang buwan lang pinauupo talaga sa trono ang mga senior officers. Get’s n’yo mga kosa?

Natutuwa naman ang mga kosa ko sa Camp Crame dahil papalapit na ang retirement ni Gamboa subalit tahimik pa at walang nangyayaring “sikuhan” di tulad ng mga nakaraang panahon kung saan ang huling biktima ay si retired PNP chief Oscar Albayalde. Sa «sikuhan» magsisiraan ang mga kandidato at maglalabasan ang mga «baho» nila. Dipugaaaa!

Si Gamboa ay record holder na dahil pangatlo siya sa «never heard» na klase niya sa PMA Sinagtala Class of ‘86 na naging PNP chief. Masasabi kong puro trabaho si Gamboa dahil sa liderato niya nangyari ang Taal Volcano explosion, at COVID-19. Saka kamuntik na siya sa helicopter crash. Take ur pick mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with