^

PSN Opinyon

Masasapawan ang frontliners

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP ang trabaho ng frontline healthcare workers sa panahon ngayon ng pandemya. Nalalagay sa peligro ang kanilang buhay para makatulong sa mga malulubha na ang sitwasyon kung saan ang kalaban ay hindi nakikita at hindi alam kung kailan sila kakapitan. Kaya ang ating suporta, pasasalamat at dasal ang kanilang kailangan. Ang hindi nila kailangan ngayon ay masabihan na pagbutihin nila ang kanilang trabaho. Hindi ba nila pinagbubutihan para masabihan sila ng ganyan?     

 Ito ang naging pahayag ni Sen. Cynthia Villar sa panawagan ng Philippine Medical Association (PMA) na isailalim na muna ang Metro Manila sa ECQ dahil sa bilis at dami ng mga nag positibong kaso nang mailagay sa GCQ. Pagod na pagod na ang mga frontliners, ang iba ay hindi na nakakauwi sa kani-kanilang pamilya dahil sa kakulangan ng tauhan. Marami na rin sa kanila ang nagkakasakit dahil nahahawa na rin sila sa kanilang mga inaalagaan.

Kaya ang hinihingi ay tila isang “time out” para mabawasan ang mga positibong kaso at mapag-aralan nang husto ang pinakamabuting gawin para malabanan ang pandemya. Hindi nila magagawa ito kung nasasapawan na sila ng pasyente at nauubos ang puwedeng paglagyan, pati na rin ang pagod ng mga doktor, nurse, technician, maitenance, lahat na.

Hindi kasi puwedeng sabihin na hindi naging epektibo ang ECQ noong Marso hanggang Mayo. Kailangan lang tingnan ang bilang ng mga kaso. Halos naging normal na nga ang operasyon ng mga ospital nang mabawasan ang mga pasyente. Iba na ang sitwasyon ngayon mag mula Hunyo. Ayon sa propesor mula UP, baka umabot sa 150,00 na kaso sa katapusan ng Agosto.

 Tao rin ang mga frontliners. Napapagod din sila. May mga ospital na hindi na mapatupad ang shifting ng duty dahil­ sa rami ng kailangan gawin. Kailangan nasa ospital sila, naglalakad, nakatayo, tumatakbo, gising ng mahahabang oras kahit sa madaling araw. Hindi nila magagawa ang kanilang trabaho na nakaupo lang, nagpapahinga, tulog. Hindi rin nila nagagawa ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng Zoom. Hindi masarap ang kanilang buhay.

Naiintindihan ko na kailangang umandar ang ekonomiya at kailangang magtrabaho ang tao. Marami nga ang kumokontra sa hinihiling ng PMA, hindi sorpresa na halos lahat mga negosyante. Pero kapag bumagsak na ang mga ospital sa rami ng kaso, kapag kumalat na nang husto ang virus, kapag wala nang makapag-alaga ng mga may sakit, hindi ba’t ang ekonomiya rin ang apektado?

Kung mabilis kumalat ang virus, hindi ba matatakot ang mga tao at hindi na rin lalabas? May mga kusang ayaw nang lumabas. Ang tao pa rin talaga ang dapat mag-ingat, sundin ang mga patakaran para makatulong sa paglaban at hindi pagkalat ng COVID-19. Ang unang “line of defense” ay ang sarili natin.

vuukle comment

FRONTLINER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with