^

PSN Opinyon

Statistically illogical

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Noong Huwebes ng nagdaang linggo, nagpalabas ng ulat ang Department of Health na mahigit sa 38-libo katao ang gumaling sa loob lamang ng isang araw sa COVID-19. Sa unang tingin, napakagandang balita nito na dapat ikatuwa ng taumbayan.

Ngunit kung pakakasuriin, posible bang magkaroon ng ganito kalaking bilang ng mga gumaling sa loob lamang ng isang araw? Kunsabagay naniniwala ako na talagang mas marami ang gumagaling sa naturang sakit kumpara sa mga namamatay. Iyan ang sitwasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Pero ang mahigit sa 38-libong recoveries na naitala sa isang araw lamang ay kadudaduda. Ito’y kahit pa ikatuwiran na bunga ito ng mas pinalawak na mass tes-ting ng pamahalaan. Kung totoo iyan, dapat ay bumaba rin nang malaki ang bilang ng dinapuan ng karamdaman. Pero hindi. Halos kapantay na tayo sa estadistika ng Indonesia na siyang nangunguna sa Timog-Silangang Asia sa bilang ng mga biktima ng pandemya.

Kaya marami ang nagtatanong kung ito ba’y paraan ng Department of Health upang pagtakpan ang mga anomalya at kapalpakan sa pagtugon sa problema ng pandemya. Kung magkagayon, matatawag na deception of the highest order ang deklarasyon ng DOH.

Para kina Sen. Joel Villanueva at Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, ang ‘di-kapanipaniwalang numerong ito ay “panlilinlang sa taumbayan.  Sa DOH statement noong Huwebes, sinasabing nakapagtala ng record high na 38,075 recoveries sa bansa at 3,954 na dinapuan ng karamdaman.

Kung tama ang ulat ng DOH, Bakit iginigiit ng mara-ming local government units na ibalik ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine dahil patuloy daw na tumataas ang bilang ng mga dinarapuan ng COVID-19?

Sana makapagisip-isip ang Pangulo. Sa halip makatulong sa problema, lalong pinasasahol ni DOH Sec. Duque ang sitwasyon. Palitan na iyan habang may panahon pa.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with