^

PSN Opinyon

Unahin muna ang pagkain, medisina at bitamina

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Alayo muna ako pansamantala sa usapang pampuli­tika. Kailangan natin ng masigasig na paalala lalo sa pana­hon ngayon.

Ang pinaka-importanteng bagay sa panahon ngayon lalo sa sambayanang Pilipino ay laman ng ating hapag-kainan. Pagkain sa mesa.

Pangalawa ay ang medisina, bitamina, alcohol at iba pang mga kailangang pangontra sa COVID-19.

Kaya ang industriya ng agrikultura ang inaasahan ng bansa natin ngayon. Pinakamahalagang sektor sa panahon ng krisis.

Pero bago pa man ang COVID-19, namamayagpag ang industriya ng real estate, mga pabahay at condominium.

Sinundan naman ito ng automotive industry. Parehong ang mga parokyano ay OFW at millennial professionals.

Subalit ngayong may pandemya, bagsak ang sektor ng real estate. Dahil ang mga banko ay naghihigpit sa kanilang mga evaluating ang qualifying buyers – kung may trabaho pa sila.

Ang mga home buyers, bago mabigyan ng loan, sini­siguro ng mga banko na may trabaho pa sila sa susunod­ na taon. Na hindi apektado ang kanilang income o pinang­gagalingan ng kita.

Kaya kung kayo’y nag-aapply ng mga real estate loan, matatagalan ang mga application. Kung kayo’y na-qualify na noon, posibleng hindi na ngayon dahil nag-iba ang sitwasyon.

Para sa mga bumibili ng mga sasakyan, ‘yung mga bumibili ng mga damit,  mahilig

pumorma at fashionista, paalala na tipid-tipid muna.

Dahil wala namang mga social gathering, hindi uso ngayon ang mga events at walang ibang dapat tambayan kundi bahay at trabaho lang. 
Ang mensahe at paalala ko lamang sa column na ito, higpit muna ng sinturon. Unahin ang mga pagkain, medisina, bitamina at mga pangontra sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with