^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dami nang stressed sa pandemic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dami nang stressed sa pandemic

PATULOY ang pagdami ng kaso ng COVID-19 na sa kasalukuyan ay mahigit nang 80,000. At habang dumarami, tumataas din ang mga mamamayan na stressed na sa nangyayari. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 86 percent ng mga Pinoys ang stressed na sa nananalasang pandemia. Ginawa ang surbey mula Hulyo 3-6, 2020 sa pama­magitan ng mobile phone. Lumabas na 51 percent ng adult ay nakaranas ng “great stress,” samantalang 35 percent naman ang “much stress’’. Nasa 14 percent ang walang nadamang stress. Nabatid naman sa nasa­bing surbey na 20.9 percent ang nakaranas ng gutom, samantalang 79.1 percent ang hindi.

Hindi na nakapagtataka kung marami ang ma-stressed sa nangyayaring pandemia. Maraming nagbago sa buhay na hindi aakalain. Sa isang iglap, marami ang nawalan ng trabaho dahil nagsara ang pinapasukan. Sa loob lang ng apat na buwan, nalumpo ang ekonomiya at walang nakaaalam kung kailan ito makakabangon. May nagsasabing sa susunod na taon ay muling sisipa at magbabalik ang dating sigla ng mga negosyo. Duda naman ang ilan at sinabing maaaring abutin ng dalawang taon bago makabawi. Lubusan daw na gaganda ang ekono­miya kapag mayroon nang bakuna laban sa COVID.

Dahil sa sobrang stressed ng mga Pinoy, lalo na ang mga nasa Metro Manila, marami ang nagpas­yang umuwi na sa probinsiya. Katwiran ng ilan, hindi sila magugutom doon at mas ligtas sa COVID. Pero nagdudulot naman nang pangamba ang pagdagsa nila sa mga pier at bus stations para umuwi. Nagsisik­sikan sila at malaki ang posibilidad na magkahawahan.

Isang halimbawa na lang ay ang nangyaring pag­dagsa ng mga tao sa North Harbor para makasakay ng barko pauwi. Dahil naipon ang mga tao, kaila­ngang dalhin sila sa Rizal Memorial Coliseum para doon iproseso ang kanilang pag-uwi. Siksikan sila roon at nagdudulot ng takot na maaaring mahawahan sila ng sakit.

Nagdudulot ng grabeng stress ang pandemic crisis at harinawa ay makagawa nang mahusay na hakbang ang pamahalaan para malunasan ang nangyayaring ito. Maiplano nawa nang maayos at may katiyakan ang lahat nang gagawing solusyon.

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with