^

PSN Opinyon

Bakit ikukulong?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Gusto ba ng gobyerno talaga na pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 o lalung palalain ito?

Naitanong ko ito dahil utos ni Presidente Duterte na ang mga taong lumalabas nang walang face mask ay arestuhin at ikulong. Sa dinamidami ng mga maaaresto at makukulong, pihong magsisiksikan sila sa mga piitan at walang physical distancing.

Ang mangyayari, yung mga may dalang virus ay ikakalat na sa loob ng piitan ang kanilang  karamdaman at mahahawa na rin yung ibang nakakulong. So, sa tingin ko ay isang malaking kahangalan na parusahan ng pag-kabilanggo ang mga lumalabag sa health protocols na itinakda ng pamahalaan upang labanan ang pandaigdig na pandemya.

Kasing “estupido” ito ng proposal na gawing contact tracers ang mga tsismoso at tsismosa sa bawat barangay. Sabagay talagang maraming pasaway na hindi nagpe-facemask o kung mayroon man ay mali ang gamit dahil nakalitaw ang ilong o kung minsan, hanggang baba lang isinusuot ito.

Baka itanong naman ng pamahalaan bilang sagot sa puna natin, “paano didisiplinahin ang mga pasa­way?”  Para sa akin, ang pinakapraktikal na dapat gawin ay pagmultahin ng napakalaki ang mga pasaway, at kung walang pera, isalang sila sa community service sa loob ng isang linggo. Gawing tagawalis ng mga kalsada. Palagay ko naman ay matatakot na ang mga tao na lumabas nang walang facemasks.

Sa atin namang mga ordinaryong mamamayan, huwag na tayong maging matigas ang ulo dahil talagang kung sa gobyerno lang iaasa ang paglaban sa pandemic, lalabas lang itong inutil kung hindi tayo makikipagtulungan at lalabag sa mga itinakdang alituntunin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with