^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Cha-cha habang may pandemia

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Cha-cha habang may pandemia

MULI na namang usap-usapan ang Charter change (Cha-cha). Mainit na namang pinagdedebatehan. Ayon sa mga nagsusulong, kailangan nang amyendahan ang Saligang Batas. Ito na raw ang tamang pagkakataon para sa economic at political reforms. Nararapat daw ito para sa ikatatatag ng bansa.

Nagsimula ang pag-ugong ng Cha-cha nang igiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mangalap ng pirma para maisulong ang pag-amyenda sa Constitution. Ayon sa report, ina­­­t­asan ng DILG ang kanilang regional offices at mga supporters na ipagpatuloy ang pagkalap ng dala­wang­­ milyong pirma para sa pag-amyenda sa Cons­ti­­tu­tion.

Ayon pa sa report, kailangan daw matapos ang pagkalap ng pirma sa loob ng dalawang buwan. Balak tapusin ang pagkalap (physical man o online) ngayong buwan. Inaasahang marami ang makakalap online kaysa physical na pagpapapirma dahil sa nang­yayari ngayong pandemia.

Noon pa ipinipilit ang Cha-cha. At ngayon nga ay muli na namang pinag-uusapan. Ang masaklap, kahit may malalang krisis sa bansa ay ipinipilit. Naghihirap ang bansa at bagsak ang ekonomiya subalit ang pag­papalit sa Constitution ang pinaggigiitan.

Mataas ang bilang ng COVID cases sa bansa at prediksiyon ng mga eksperto sa University of the Phi­lip­pines, maaring umabot sa 80,000 ang kaso bago matapos ang Hulyo. Maraming nawalan ng trabaho sa dalawang buwan na lockdown. Marami pang nagsasara dahil luging-lugi na. Maraming nagugutom at kahit nga mga jeepney driver ay namamalimos na dahil­ hindi na sila pinayagang makabiyahe.

Pero ang mga problemang ito ay hindi nakikita ng mga nagsusulong ng Cha-cha sapagkat ang mahalaga sa kanila, maipasa ito. Tila ba isinasabay nila ang pagpapalit ng Konstitusyon habang may pandemia. Amyenda habang may pandemia ang tila gusto nila.

Pagkain, gamot at trabaho ang kailangan ngayon ng mamamayan. Marami nang nagugutom ayon sa survey. Maraming naghihikahos. Huwag ipagpilitan ang bagay na hindi naman makatutulong ngayon.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with